Pilot

Kapag tinatanong ako nang mga kaibigan ko, or kahit na sino lang na kakilala ko kung ano ang isang bagay na kinakatakutan ko, hindi ko maisip kung ano nga ba talaga. Hindi dahil sa wala akong kinakatakutan, pero yung mga bagay kasi na kinakatakutan ko e yung mga normal na bagay na dapat lang katakutan talaga, like multo, ipis, at kung anu-ano pa na valid katakutan. Wala akong maisip noon na mga kakaibang bagay na kakabahan talaga ako sa presence nung bagay na yun, gaya nang heights, closed spaces, or spiders. Noon wala talaga akong maisip. Pero ngayon, meron na.

Kakagaling ko lang sa BIR Las Pinas kaninang umaga para ayusin na nang tuluyan yung problems ko sa TIN ko. Nakaregister kasi ako sa Las Pinas as “Professional” hindi as “Local Employee” kaya kinailangan ko pang magfile nang Income Tax Return for two years - 2005 and 2006. Buti na lang at wala naman talaga akong income out of being “Professional” or “Self-employed” kaya hindi ganoon kakumplikado at kataas ang binayaran ko. Tapos kinailangan ko pang ilipat nang RDO yung TIN ko kasi sa Makati na yung residence nang work ko. Ang nangyari nga lang, ililipat muna yung TIN ko from Las Pinas to Makati, bago ko mapapalitan yung status nang TIN ko. Doble hassle. Ngayon I have to go to Makati BIR para naman iupdate yung mismong status ko.

Minsan naiisip ko, parang unfair. Kasi yung mga kasama ko naman na nag-apply nang TIN kasabay ko, hindi naman sila nagkaproblem. Pero sa akin, kinailangan talaga na ako pa ang lumakad. Nakakainis na nakakalungkot. Oh well, wala naman talaga akong magagawa. Charge to experience na lang talaga.

So ano ang kinalaman nito sa una kong paragraph? Noong nasa loob ako ng BIR sa Las Pinas, nakadama na ako nang takot towards Government Offices. Hindi ko masyado maexplain kung bakit, pero parang kapag nasa loob na ako nang mga opisina nang gobyerno like BIR or LTO parang hindi na ako comfortable. Parang laging me sisingilin sa akin, parang laging me kulang na papers. Tapos hindi ka pa agad haharapin nung empleyado kasi nakikipagtsismisan pa sa kasama about dun sa isang bumahing daw sa pantry nila. O kaya pag nagtama na yung mga mata ninyo at narealize niya na magtatanong ka e biglang aalis sa kinauupuan. Yung mga ganoong bagay. Kaya ngayon, kung pwede rin lang, pipilitin kong sumunod na talaga sa mga dapat sundin para maiwasan ko na yung pumunta sa mga government offices. Kasi di ko talaga trip. Hindi siya masayang puntahan really. Lalo na kung yung tao na kailangan mong kausapin para doon sa issue mo e alas-nuwebe pa darating, gayong alas-otso ang simula nang trabaho.

UPDATE (08-Jan-2008): Ok na pala ang TIN ko. I hope wala nang issues. :)