Security Guard

Minsan dito sa opisina, narerealize namin kung gaano kahirap ang buhay nang isang Security Guard by watching our own one sitting next to the door. Wala silang gagawin kung hindi tignan lahat nang labas-masok sa opisina to check if meron ba silang ID na suot-suot o kung nagte-tailgate man sila. Gaya nga nang sabi nang isa kong office mate dito, hindi naman puwede sa kanila yung magbasa nang diyaryo o kaya maghanap nang paglilibangan dahil baka mamaya me makalusot sa security. Biruin mo, kung ganoon din lang pala, nakakainip ang buhay nang isang sikyo. Borrrrrrinnnnggg. Nakaupo ka mula ala-siyete nang umaga hanggang ala-siyete nang gabi (pedeng 7 nang gabi to 7 nang umaga kung night shift) na wala kang ibang gagawin kung hindi matyagan lahat nang nangyayari sa area of responsibility mo. At sige, sabihin na nating hindi nga nakakapagod yun, pero ganoon lang ang gagawin mo habang duty ka?

Pero sa security guard lang sa opisina ako nakikisimpatya. Sa mga security guard sa MRT, hindi.

Matagal na rin akong sumasakay sa MRT, at siyempre, sa araw-araw kong pagsakay, hindi malayong hindi ko mapansin yung mga nakakatawa pero nakakainis na kaugalian nang mga security guard natin sa MRT.

Nasabi na ito nang officemate ko sa blog niya, at napansin ko rin na parang me something special sa stick na gamit nilang pangsiyasat nang mga gamit natin. Sabi nga daw, parang if ever me something na kahina-hinala sa gamit mo, parang iilaw or magvi-vibrate yung stick na yun para maalarm ang security guard. Kasi kung oobserbahan mo yung mga guard, ipapasok lang nila yung stick na yun sa gamit mo, tapos after maipasok (at ok, hindi nagvibrate itong stick ko, cleared ka na) saka papapasukin yung tao sa loob nang mall. Minsan nga no-look pa! Astig! Habang ipinapasok nila yung stick nila sa bag mo, kausap niya yung kasama niyang guard on duty. E paano na lang kung lowbatt na yung stick nila at hindi magvibrate kapag me bomba na sa bag?! Bibihira lang talaga yung guard na titignan talaga yung gamit mo para makita kung me something suspicious sa loob. Nabibilang sa daliri.

Isa pang kalokohan nila e yung kumakain habang nagiinspect nang bag. As in yung isang kamay gamit pang subo nang food, at yung isa, hawak ang vibrating-and-bomb-detecting stick na ipapasok sa gamit mo. Ok lang sana kung habang kumakain e nakatingin sa bag mo para makita na rin niya for himself. Pero hindi, combo yan, kumakain siya, tapos nakikipag-usap sa isa pang guard. Tibay.

Kung tutuusin, liliit ang posibilidad na magkaroon nang bombahan kung ginagawa lang nang mga sikyo na yan nang tama ang kanilang trabaho. Hindi nila alam pero nakapagpuslit ako nang butter knife sa MRT habang hindi nakatingin ang guwardiya sa gamit ko, na nakapagpuslit ako nang bote nang mineral water (which is bawal ipasok sa MRT kasi possible na maging container nang bomba) habang nakikipag-usap yung guwardiya sa kasama niya, at nakapuslit din ako nang food sa loob nang MRT dahil yung tumitingin sa gamit ko e kumakain habang nakikipagkuwentuhan. Kung minsan nga, itatago ko na lang sa jacket na nakasampay sa braso ko yung mga bagay na yan, at hindi nila mapapansin yun, dahil distracted sila sa mga habits na yan. Hindi ako proud sa mga naipuslit kong iyon, naiinis pa nga ako dahil paano pala kung bomba ang itinago ko sa ilalim nang jacket ko?! Hindi rin nila mapapansin yun, at mauulit na naman yung nangyari sa Rizal Day Bombing.

Ito na yung mga panahon na halos lahat nang tao e nasa labas nang mga bahay nila para mamili nang mga gamit at pagkain para sa paghahanda nila sa Pasko at Bagong Taon. Ito yung mga kritikal na panahon na puwedeng me sumalakay habang hindi tayo aware. Kaya I really wish na maging proactive na yung mga guards na katulad nang sa MRT, hindi yung magiging alerto lang sila kapag me nangyari nang hindi maganda.