Syphon Filter: Logan’s Shadow

Desperate. Alone. Betrayed.
They blame you for a global threat.
They claim your partner is a double agent.
They destroyed your agency.
And the best part? They’re on your side.

Medyo mahirap talagang laruin ang SF games, lalo na kung hindi ka familiar sa equipment mo. It was really a learning process for me, kasi simula pa lang nung SF:DM, talagang lagi akong nadededo. Ang alam ko lang e makipagbarilan at makipagpatagalan, tignan kung sino ang unang mamamatay. Pero after ko lang matapos yung SF:DM ko narealize na hindi basta basta shooting game ito. Pinagsamang tactical combat at stealth ang isang ito, kaya it’s a no-no na maging burara. Funny, kasi you are supposed to enjoy the game, and not to be pressured of being unseen and doing quick kills, pero how can you enjoy the game kung palagi ka namang namamatay di ba?

Being unseen is truly not that easy. Kailangan talaga mag-experiment ka bago mo maperfect ang isang level. Kahit game lang ito, you have to consider kung saan siya nakatingin bago mo siya barilin, or kung me nakatingin ba sa kanya kapag babarilin mo na sa ulo kasi factor yun para makapagtrigger ka nang alarm. The more noise you do, the more thugs you will encounter. At siyempre, ayaw mo noon, kasi hindi naman unlimited ang ammo mo, at hindi naman ito gaya sa isang typical PC shooting game na pede ka magcheat para unlimited ang ammo at nakaGod mode ka.

SF:LS is the sequel for SF:DM, and ikaw pa rin si Gabe Logan, at ang kalaban mo ngayon e si Ghassan Al Bitar, isang Syrian terrorist na gustong paalisin ang mga westerners sa Middle East by blowing up oil firms. Mapagkakamalan din ang partner ni Logan na si Lian Xing na isang double agent dahil sa kanyang mistersyosong pagkawala.

Ang the best dito sa larong ito e yung health-regenerative suit na suot nang character na nilalaro mo. Siguro naging hassle sa laro sa SF:DM yung tipong, kaunti na lang ang health bar mo, tapos tipong malapit na ring mamatay yung kalaban, tapos kung kelan mapapatay mo na siya e naunahan ka pa. Buti sana kung abundant ang medkit sa SF:DM, kaso piling-piling lugar lang, tapos hindi mo naman kayang magdala nang higit sa isa pang medkit, kaya wala kang additional spare if ever kailanganin mo nang madami. Kaya ngayon sa SF:LS, hindi na kailangang mamroblema kung saan makakahanap nang medkit, kasi ang gagawin mo na lang para marestore yung health mo, e wag kang magpatama - magtago muna sa mga crates - and wait until marestore completely yung health bar. Kaso siyempre, kailangan buhay ka pa rin para marestore yung health mo. Sabi nga ni Teresa Lipan sa game, it can only restore your health, but not resurrect you from the dead.

Napilitan din akong imemorize ang Square, Triangle, Circle at Cross buttons, kasi merong mga times na may ipapakita sa yong sequence nang mga buttons na ito, at pipindutin mo sila ala-Dance Revo nang mabilis para makakuha ka nang hidden evidence, makapatay nang mga nakagrapple na kalaban at makapag interact sa mga pinto at valves. Mas ok nga naman itong ganito, kasi mas nakakapagparticipate ang player sa game play.

Hindi ko masyadong ginamit yung bagong feature nito na blind fire (yung babaril ka nang hindi nakatingin sa mga kalaban mo) kasi aksayado sa bala. Mas magiging effective pa kung babarilin mo na lang sa ulo para patay agad. Pero magagamit ito kapag me mga kalaban na walang takot na lalapit sa yo kapag nakacover ka. Kasi mapipilitan silang umatras kapag nagblind fire ka.

Ang saya ring mag under the sea, (wow, ang ganda nang mga sea shells at corals!) kasi meron nang under water action na talagang nakakapanindig-balahibo sa excitement. Ang draw back lang nito, e kailangang mag-aim ka ahead sa path na daraanan nang kalaban mo kasi babagal ang travel speed nang bala due to water resistance.

Medyo inis lang ako sa ending nitong game. Though hindi ako magkukwento kung ano yung nakakainis (unless pilitin mo ako ahehe). Iniisip ko, magkakaroon pa kaya nang part 3 ito?

Pwede mong puntahan ang Official Site for more details. :)

0 Responses to “Syphon Filter: Logan’s Shadow”


  1. No Comments

Leave a Reply