Hindi ko alam kung tama yung spelling. Ikaw na magpasensya. Hehe.
Marami na rin ang nakakapansin na sumusobra na ang pagtatrabaho ko dito. Hindi ko pa naexperience na maging ganito sa buhay ko. Meron akong isang friend nung college na work-a-holic din, as in talagang puro trabaho siya lalo nung thesis namin (tamaan ka! mwahahaha). Sinabi na rin niya one time na talagang work-a-holic siya, and that time I wonder kung magkakaroon din ba ako nang feeling na tipong hindi ako aalis sa workspace ko hangga’t hindi ko natatapos ang isang task ko. Kasi I was really that happy-go-lucky guy na hindi masyadong sineseryoso ang trabaho, na walang iniisip na deadline whatsoever. Yup, hindi talaga magandang ugali yung ganon kaya wag mo ako gagayahin! Pero ngayong nagiging super attached na ako sa trabaho ko, naiisip kong hindi rin pala maganda na wala ka nang ibang iisipin kung hindi ang deadline mo.
Dumarating yung time na kahit naliligo pa lang ako, iniisip ko na kung anong problema nang code ko. Kahit sa daan papasok at pauwi, iniisip ko, paano ko matetest ito. Kahit bago matulog, iniisip ko pa rin na “syet, sagad sagad na ako sa deadline koh!”. Hanggang isang araw sinabihan na ako nang isang friend ko (na itatago ko sa pangalang April) na “get a life! parang magpapakamatay ka na pag di mo natapos yan ah”. Doon ko na naisip na I really need a life insurance, este, a break. Kahit mga 1 hour siguro (hah! joke lang) para lang makagawa nang blog na ganito kalupit. Hindi naman siguro talaga kasalanan na magpahinga kahit papaano.
Nakakalungkot lang kapag yung mga pinaghirapan mo e napupunta lang sa wala. Gaya nung isang ginawa ko na lumipas na ang Goku vs. Cell Saga nang Dragon Ball Z bago ko natapos. Tapos malalaman ko na canceled na pala. Kasi hindi na kakailanganin. Masakit, pero iniisip ko na lang na sa process nang paggawa ko noon, me natutunan din naman ako, at puwede ko ring magamit sa mga susunod na saga!
Ngayon ko lang nalaman na ang pagiging dedicated sa trabaho e hindi masama. Pero kung lulubus-lubusin ko na ang lakas sa bawat sulok nang mga ugat ko, baka ako rin ang bumagsak.
Sana lang ay matapos ko na itong isang ginagawa ko. Nakakafrustrate lang kasi, dahil bukod sa ang tagal na nito sa akin, e hindi ko pa mawari kung paano. Sa ngayon, iba na lang muna ang gagawin ko para naman hindi masayang ang oras ko sa hinayupak na to.
*Sa mga hindi nakakaunawa nang pinagsasasabi ko, pasensya. Haha.*


maging shopaholic ka na lng kc kesa workaholic… mas masaya.. haha..
peace!
haha… kaso wala akong pera… kaya magpapakaworkaholic muna ako.