May nakasalubong kang isang human… Pagkakita mo sa kanya, hiyang hiya kang lumapit… kasi parang merong something sa kanya na pamilyar na pamilyar sa yo… Kaso wala ka nang choice… palapit na siya… at kailangan mong pumunta sa direksyon na pinanggalingan nung human na iyon… At no choice ka… kailangan ninyo talagang magkasalubong..
Monthly Archive for February, 2008
Sa lahat ng mga tao sa buong mundo at universe… Maligayang Happy Valentines sa inyong lahat!
Sa tuwing sasakay ako nang MRT at bus, I never fail to witness the sight of a man giving up his seat to a woman. Minsan nagdadalantao, minsan maraming bitbit, minsan me kapansanan, minsan matanda, o kadalasan - maganda. Madalas kaya nagpapaupo ang lalaki kasi maganda yung babaeng pinapaupo. Pero kung… uhhh… mabait? Naku! Asa pa! Kaya tuloy minsan, napapansin na rin nang mga gels na tipong “talaga bang nagpapakagentleman to? o nagpapakitang gilas lang sa magandang dilag para makipagkilala?”
Pinalaki ako nang nanay ko na matutong mamuhay nang hindi umaasa sa iba. Well, iyan ang sabi niya, at iyan na rin naman ang napapansin ko kahit papaano. I remember one time nung umiyak ako nung bata ako kasi nagpaimportante yung isa kong kalaro at hindi ako pinansin. Pinagalitan talaga ako nang nanay ko, saying “hindi magkadugtong ang bituka ninyo. Kung ayaw niya, e di wag. Wag ka papaapekto diyan”. Kaya mula noon, natutunan kong maglaro, kumain, at mamuhay mag-isa.
DISCLAIMER: Bubusina lang ako sa mga posibleng matamaan. Hindi ko po balak na kalabanin ang mga religious sect (isa sa mga dahilan e wala akong time). Ang blog entry na ito ay para lamang sa mga taong ubod nang taas ang tingin sa sarili, na pinipilit nilang isipin na sila ay sobrang banal. Maselan na usapin ang relihiyon, at posible na kahit hindi ikaw pinapatamaan nang blog na ito, maaari ka ring masaktan. Kaya maaaring huwag mo na lang basahin. Read at your own risk.

