Pinalaki ako nang nanay ko na matutong mamuhay nang hindi umaasa sa iba. Well, iyan ang sabi niya, at iyan na rin naman ang napapansin ko kahit papaano. I remember one time nung umiyak ako nung bata ako kasi nagpaimportante yung isa kong kalaro at hindi ako pinansin. Pinagalitan talaga ako nang nanay ko, saying “hindi magkadugtong ang bituka ninyo. Kung ayaw niya, e di wag. Wag ka papaapekto diyan”. Kaya mula noon, natutunan kong maglaro, kumain, at mamuhay mag-isa.
May magaganda namang naging epekto sa buhay ko yung ganoong lifestyle. Kaya nung elementary ako at high school, pag uwian na, hindi ko na kailangang maghintay pa sa iba para lang me makasabay ako. Minsan kasi e ang tagal pa kumilos nung hinihintay mo, e paano na yan, gusto mo na umuwi. Kaya pag uuwi na ako, kung gusto mo sumabay sige. Pero kung no comment ka, oks lang. Pero iiwan kita! Mwahahaha…
Kaya rin siguro hindi ako naging malapit sa mga kaklase ko noon. Na-brand ako as anti-social, kasi I can do things on my own na hindi na kailangang me kasama pa. Hindi na nila ako pinapansin, hanggang sa kapag grumadweyt na at nagkareunion, pag nakita ako, “Sino nga ba itong batang ito?”. Yep, I am one of those people na madaling malimutan, kasi ni hindi nila nafeel ang existence ko. Hindi rin ako palabiro dati, kumbaga kung magbiro man ako, sa iilang tao lang. Kaya tuloy kapag nagkita-kita, hindi ako kinakausap, kasi seryoso talaga ako at boring kapag hindi ko naman masyado kaclose yung tao.
Kahit kailan, hindi ko naramdaman na nag-iisa ako. I mean, yes I am alone, but not lonely. Gets? Parang sige, tuloy lang ang buhay, wala akong pakialam kung ako lang mag-isa. Kung me kasama, fine, pero kung wala fine din. Pero naisip ko na siguro I have to change my style. Narerealize ko na kakaunti lang ang nagiging kaibigan ko, sometimes kahit sila nalilimutan na din kung sino nga ba talaga ako. Saka ayoko na ring tawaging autistic, at mabuhay na wala man lang maikkwento sa magiging anak ko about the adventures of my life. Ano lang ang sasabihin ko sa anak ko? “Umuuwi ako mag-isa, kumakain ako mag-isa, namumuhay ako mag-isa”. Baka naman pati anak ko e malimutan na rin kung sino ako! wahahaha…
Ngayon hindi ko sure kung me pinagbago na nga ba talaga ako pagdating sa social interaction. Ayoko namang i-assume na naging friendly ako, at baka mamaya e hindi pa naman pala talaga. Siguro masasabi ko na selective autistic na lang ako, kasi pinipili ko yung sasamahan ko. Pinipili ko yung sasamahan ko tuwing lunch at pag-uwi. Minsan kasi me mga taong akala mo kung sino (ahem… a.k.a. mga almoranas or asshole) na mahirap pakisamahan. Mga taong ang tataas nang tingin nila sa sarili nila na yung mga hindi nila “kauri” e mga hindi sibilisadong tao *nagsisimula na naman po ako*. Oh well, ayoko rin namang maging kauri nila. Wahaha…
I hope na me pinagbago na ako. Nakakasawa ring maging loner. Sa ngayon hindi mo pa mapapansin yun. Pero in the long run, makikita mo yung results. At hindi ka magiging happy pag nakita mo yun.
Happy Birthday nga pala sa Nanay ko! ![]()



