Sa tuwing sasakay ako nang MRT at bus, I never fail to witness the sight of a man giving up his seat to a woman. Minsan nagdadalantao, minsan maraming bitbit, minsan me kapansanan, minsan matanda, o kadalasan - maganda. Madalas kaya nagpapaupo ang lalaki kasi maganda yung babaeng pinapaupo. Pero kung… uhhh… mabait? Naku! Asa pa! Kaya tuloy minsan, napapansin na rin nang mga gels na tipong “talaga bang nagpapakagentleman to? o nagpapakitang gilas lang sa magandang dilag para makipagkilala?”
Sa akin, wala naman kasi talagang problema ang tumayo, kasi mas sanay na rin ako nang ganoon lalo na sa MRT. Kaya kung pagpapaupo ang pag-uusapan, hindi problema sa akin yun. Pero bago kita paupuin, me mga certain criteria muna akong sinusuri. Ang mga basic rules ko para paupuin ang babae e ang mga sumusunod:
- May dalang mabigat na bagahe
- May kapansanan
- Nakatatanda
- Kakilala ko
Malamang na napansin mong bakit pa ako nagbibigay nang criteria sa mga pauupuin ko. Well… eto ang mga dahilan:
- Sa MRT, pwede ka namang sumakay sa first car nang tren. Doon maluwag na maluwag, makakaupo ka. Kung hindi ka man makaupo, ayos lang, at least hindi ka matatakot na baka mahipuan ka.
- (Got this one from a friend) Sa Bus, kung alam mo rin lang na puno na yung bus, bakit ka makikisiksik? Ang pangit na ugali iyong magpupumilit kang sumakay sa sardinas nang bus, at aasa na me magpapaupo sa yo. Hindi lisensya ang pagiging babae para makaupo ka. Gaya nga nang lagi ninyong dinedemand sa aming mga lalaki - equal treatment - dapat tumayo rin kayo gaya naming mga lalaki.
Gaya nang sabi ko, wala naman talagang problema sa akin yung magpaupo. Minsan lang kasi naiirita ako dun sa mga babaeng ubo nang ubo sa harap mo na parang nagpapasaring na paupuin naman sila. Belat sa kanila, dahil mas lalo ko silang hindi pauupuin. wahahaha…



