Holy Sheet

DISCLAIMER: Bubusina lang ako sa mga posibleng matamaan. Hindi ko po balak na kalabanin ang mga religious sect (isa sa mga dahilan e wala akong time). Ang blog entry na ito ay para lamang sa mga taong ubod nang taas ang tingin sa sarili, na pinipilit nilang isipin na sila ay sobrang banal. Maselan na usapin ang relihiyon, at posible na kahit hindi ikaw pinapatamaan nang blog na ito, maaari ka ring masaktan. Kaya maaaring huwag mo na lang basahin. Read at your own risk.

I really hate hypocrites… especially those people who claim na sila lang daw ang maliligtas sa mundong ito when the end of time comes. Akala mo kung sino silang hindi nagkakasala sa buhay nila.

I have been a Roman Catholic for 21 years now, and even though there are several people that I know converted to other religions, I never, even once, considered crossing to other religions. Though hindi ako nagsasalita nang tapos dahil baka subukan din Niya ako, ayoko pa ring isipin na magpaconvert. It’s my promise to my mother, because she once told me, “Wala Siyang kasalanan sa yo, kaya walang dahilan para ipagpalit mo Siya sa iba”. Kahit maraming tao na ang nagsasabi na flawed ang Roman Catholicism, I don’t care.

Sa tagal ko sa buhay na ito, marami na rin akong nakilala na mga tao na hindi ko ka-Religion. May nakilala na akong Saksi ni Jehova, Iglesia ni Cristo, Protestante, Pagano, Anti-Christ at Christian (a.k.a. Born Again). Iginagalang ko naman yung kanilang paniniwala, as long na igagalang nila yung paniniwala ko. Kapag naman nakakasama ko sila, hindi naman kami nagbabanggitan about sa mga religious activities namin. Not until my late teenage era.

Marami-rami na rin ang nagyayaya sa akin na sumama sa religious activities nila na (hindi ko naman sinasabing labag) pero hindi ko nakakasanayang gawin bilang Katoliko. Isa na yung pagpunta sa mga fellowships, cell groups at Bible Studies. Sumama naman ako kahit papaano, at inaamin kong I am deeply moved. Pero minsan kasi, kahit gaano kaganda ang programa, me mga bagay (animate o inanimate) na talagang pipilitin kang magkasala kahit papaano.

Nakakainis kapag iyong tipong kapag hindi ka na sumasama sa mga ganoong bagay e kakalampagin nang mga “religious friends” ko ang cellphone ko, asking na kung pupunta ba ako. At persistent sila! They’ll bathe my inbox with religious quotes and brotherly or sisterly questions like “kamusta ka na? two weeks na kitang hindi nakikita”, or “I miss you. Kita naman tayo minsan.” Minsan e natatouch ako. Minsan nandidiri ako, lalo na noong yung pangalawang example na sinabi ko sa inyo e lalaki ang nagtext sa akin. Parang gusto kong itanong sa kanila, “Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa inyo na busy ako at hindi ako makahanap nang oras na pumunta?” Kaso pag sinabi mo naman sa kanila na busy ka, kokonsyensiyahin ka naman with their quotes that in the end saying “mahiya ka naman sa Kanya. Have time for Him”.

First and foremost, I have time for Him. I do spent time with Him. Pero hindi porke hindi ako sumasama sa inyo e pagano na ako o nalilihis na ako nang landas. Dahil para sabihin ko sa inyo, I am not supposed to do those things that you do in the first place. Nagkataon lang na ang rule sa mga Katoliko e “follow thy conscience”, at hindi masyadong mahigpit pagdating sa mga ganyan that’s why I consider joining those activities of yours. Let me share this text conversation that I had with one of those people who really “cared” for me:

Siya: Hi P4. Me lakad ka ba on Sunday?
Ako: Ay meron po.
Siya: Ah… anong lakad iyan?
Ako: Magsisimba po ako.
Siya: Pwede ba kitang mayaya sa Sunday?
Ako: Ay hindi po puwede e.. I spend this day/time for Him.
Siya: Ako rin naman. But I want to spend this time with you.

And to think na LALAKI ang kausap ko nang mga panahong iyan. Smooth na smooth.

Nakakainis pa diyan, daig pa nila ang nanay mo sa pagtatanong kung bakit hindi ka makakasama.

Siya: Hi P4. Pwede ka ba today?
Ako: Ay hindi po e.
Siya: Bakit? Ang tagal na kitang hindi nakikita.
Ako: Busy po kasi sa trabaho.
Siya: Wag ka masyado magpapakagugol sa trabaho, nawawalan ka na nang oras for Him.
Ako: *no reply*
Siya: *nagtext na nang quote about spending time with Him*

Minsan ang naiisip ko, takte, pag nagpaalam ako sa nanay ko na aalis ako, hindi ako nahihirapan magpaliwanag. Pero pag sila ang kausap ko, daig pa nila si Jack Bauer sa pag-interrogate. To think na hindi ko naman sila kaano-ano and sheet.

Oops, me sagot sila diyan sa banat kong “To think na hindi ko naman sila kaano-ano and sheet”. Accountability daw ang tawag doon. Spending time to look after your brothers and sisters. Oh come on. Give me a break. Ang daming charitable institutions na nangangailangan nang support ninyo. Mga street children na kailangan nang kalinga. Why not look after them? Why look after me instead?!

Kaya mula noon, nag invisible na ako sa kanya sa YM, at hindi na ako nagrereply sa text messages niya. Kung magkita man kami, civil na lang. I won’t bother myself to open some discussions with them, especially kung hindi naman talaga kailangan. I must admit, nasakal ako sa ginawa nila. At hindi ko hahayaan na bigyan uli sila nang pagkakataon at dahilan para sakalin nila uli ako nang ganoon.

Nakakainis pa yung mga tao na grabe ang taas nang tingin sa sarili, na kapag hindi na Christian yung isa e me malice na agad. People like this one should be burned alive. No one is prevented from hiding their religious interest, pero not to the point na you’ll shove it on other’s faces. Igagalang ko ang paniniwala mo. Pero igalang mo rin ang akin. Almoranas. At wag mong isipin na porket hindi mo ka-religion yung isa e loko-loko na at hindi puwedeng maging faithful. Almoranas ka talaga. Naku gigil na gigil ako sa iyo.

May mga kaibigan din naman ako ngayon na Christian, at bilib ako sa kanila. Kasi if you want to have a discussion about the Bible and beliefs, sige usap tayo. Pero kung ayaw mo, ok lang. Mga ganoong bagay. Hindi sila yung tipong broadcast talaga gaya ni Almoranas. Me times na kailangan mong tumahimik at magpakahumble. Huwag iyong sobrang broadcast na kulang na lang ipagsigawan mo na “Christian ako! Christian ako!”

Gaya nga nang sabi ko, walang masama kung ilalantad mo yung paniniwala mo. Pero igalang mo yung ibang tao na iba ang paniniwala kaysa iyo.

Last one, please don’t ask me who these people are. Una sa lahat, ayoko. Hindi dahil sa iginagalang ko sila. Ayoko lang. Papangit lang ang blog ko aesthetically kapag me pangalan sila on one or more of my entries. Pangalawa, bigyan natin sila nang chance. Baka sakaling magbago. :P

And note sa mga tinatamaan: Please don’t ask me with rhetorical questions. Hindi tatalab sa akin yan.