Kakaibang Feeling

May nakasalubong kang isang human… Pagkakita mo sa kanya, hiyang hiya kang lumapit… kasi parang merong something sa kanya na pamilyar na pamilyar sa yo… Kaso wala ka nang choice… palapit na siya… at kailangan mong pumunta sa direksyon na pinanggalingan nung human na iyon… At no choice ka… kailangan ninyo talagang magkasalubong..

In denial ka pa rin… baka namamalik-mata ka lang… pero nung tinitigan mo… mas nagkatotoo lang yung hinala mo..

At makikita mo siyang nakatitig na rin sa yo at tila pareho lang kayo nang naiisip……….

“Syet, pareho kami nang damit.”