Lawmaker Wants Boxing Abolished

I just read this article. Nung nabasa ko yung headline, medyo nairita ako sa lawmaker na sinasabi dahil parang ang kill joy naman nito. Pero nung nabasa ko yung intention niya on why he wants to abolish boxing and other “violent sports” here in the Philippines, medyo napaisip rin ako.

Marami na nga sa mga kabataan natin ngayon ang nalu-lure sa sport na ito dahil na rin sa nakikita nilang yumayaman sina Pacman at (kung meron mang) iba pang mga boksingero na nagsasapalarang makipagbakbakan sa ibang bansa. Dahil sa kahirapan, handa silang maputukan nang kilay, magka-brain damage o makipagmeet ke Kamatayan para lang kumita nang easy money.

Pero ito ba talaga yung point? Bakit nga ba me kahirapan in the first place? Hindi ba dapat inuuna muna nang gobyerno na isipin kung paano lalabanan yung poverty na every year e pataas nang pataas? Yung mga naiisip nila kasing plano e mga pang short-term lang. Hindi naman mapipilitan yung bata na makipagboksing-boksing kung nakakapasok siya sa eskwela para mag-aral at me tiwala siya na makakahanap siya nang maayos at ligtas trabaho pagka-graduate niya.

Naiisip nila yung about sa sports, pero bakit tila wala atang bill na naipapasa on how we could raise the standards of education in this country? Natatawa lang ako na nagbibigay lang sila nang pansin sa mga bagay kapag nangyayari na. Like yung sa Ms. Binibining Pilipinas World na nagkamali-mali sa pagsagot nang tanong. Nung marinig nila yan ipinalandakan nilang kailangan daw na itaas ang education quality dito. Tapos ngayon na umuwi si Pacquiao na me panalong championship belt, nagpapasa naman sila nang bill like this. Ningas-kugon. Pasikat.

Tama na. P4 sounds like a presidential candidate again. :lol:

6 Responses to “Lawmaker Wants Boxing Abolished”


  1. 1 ris

    it’s ok to sound like a running candidate sometimes :) tama ka don, ang reactive mashado ng politician na yun kung iaabolish ang sport kung saan nagpapaka-ambisyon ang mga batang pinoy. it’s not even addressing the root problem diba? eh kung mawala ang boxing, for example, anong gagawin nila, magba-basketball. kung alisin din yon? eh di mag-to-tong its nalang sila. hehe.

    labo diba? sana nga ituloy-tuloy nalang nila yung mga education campaigns kasi mas may maidudulot na mabuti yun satin in the long run.

  2. 2 P4

    gusto nila yung mga madalian… lahat nang bagay minamadali.. :P

  3. 3 Laarni

    Pero at least si Pacman ngayon ni-coconsider na niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

    malabo ‘ata ako. hehehe.

    tama fight poverty muna!

  4. 4 P4

    haha… kaya niya ituloy studies niya kasi me pera siya. Pede siya mamili nang school. kaso yung mga mahihirap… blah blah blah..

    Here I go again! :lol:

  5. 5 Laarni

    lol.

    oy oy maglagay ka nga ng subscription sa comments para updated ako. hehehe. demanding, eh noh?

    Take care!

  6. 6 P4

    haha…. kaso di ko alam paano gagawin yun. Paturo? hehehe…

Leave a Reply