Annual Physical Exam

Kagagaling ko lang sa clinic na partner nang company para sa aking APE. Let me put to this blog all the preparations that I have done para lang makapasa sa test na ito. Documentation na rin ito para sa akin at para sa mga officemates ko for next year.

Hindi talaga ako enthusiastic pagdating sa mga ganyang bagay. I can deal with the needle, but I just hate the smell of a hospital. It makes me sick, even if I am healthy.

Dumating ako dito sa office ng 8:30 am. Hindi ako kumain para sa Fasting Blood Sugar. Inihanda ko na rin ang sarili ko para pagbibigay nang “specimen” para sa fecalysis (ok, walang entry sa Wikipedia about fecalysis. Gusto ko mang tulungan kang maliwanagan kung ano yun, hindi ko magagawa. Ayokong pag-usapan! :lol:). After ko ihanda yung specimen, binasa ko yung e-mail sa amin for the instructions, tapos nagpunta na agad ako nang Market! Market! para tapusin na ito. I hate fecalysis. Grr….

Nakarating ako nang 9:00 am. Sarado pa ang mall that time, pero pinapasok ako kasi sabi ko sa clinic ako pupunta. Nung pagpasok ko doon, natuwa ako kasi medyo kaunti lang ang tao. May nakita rin akong officemate ko. Pumunta muna ako sa reception para magparamdam na “Hey! Magpapa(ka)-APE ako! Bilis!”. I signed some forms, tapos kinuha nila yung company ID ko then dinala ako sa first stop: Blood extraction.

Blood Extraction. Nung bata ako I do have problems with needles. Kasi nagkarabies ako dati at kinailangan akong bakunahan (Just kidding. Nakagat ako nang aso, pero walang rabies). Pero ngayon hindi na ako takot. Hehe… So pumunta nga ako sa Laboratory Section para magpakuha nang dugo. Medyo makirot lang pero ok naman. Hindi naman ako umiyak. Tinanong ako nung nurse kung me “specimen” na ba raw ako for fecalysis. HAH! Sabi ko meron na. Binigay ko sa kanya yun. [Brief History: Nung nagpa Pre-employment e hindi ako prepared, kaya medyo "nahirapan" akong magproduce nang "specimen".] Kaya ngayon, handa na ako! Binigyan niya ako nang another container para sa Urinalysis naman. After that, pinaghintay ako sa reception para sa susunod na task: Vital Stats Check.

Vital Signs Check. Sa totoo lang, imbento ko lang yung tawag sa task na to. Tinignan kasi nila ang blood pressure ko, pati ang height at timbang ko. So I called it Vital Stats Check. Hehe… so yun, yun nga ang ginawa nila sa akin. Habang naghihintay ako, me batang umiiyak habang kinukuhanan nang vital stats. Sarap sapukin. Haha… Susukatan ka lang e. Wala pang karayom diyan! Pero siyempre sa sarili ko na lang yun sinabi. Malaki kasi yung tatay niya. Baka itapon ako. After nun, pinagproceed uli ako sa reception. Tapos pinapunta ako sa susunod na obstacle: Chest X-Ray.

Chest X-Ray. Natatawa ako dito sa nagfacilitate sa akin sa loob nang X-Ray lab. Parang kumukuha lang talaga siya nang family picture, pero parang sobrang nagmamadali. “Ok sir, pakitanggal lang po yung damit pang itaas. Ok, dikit lang po nating mabuti yung chest dito. Hingang malalim tapos pigil hininga pag sinabi ko po. Ok, hingang malalim… pigil hininga… Ok tapos na po. Diretso na po uli kayo sa r——–”. Ganyan lang kabilis. Dire-diretso niyang sinabi yan! Hindi ko na narinig yung word na reception kasi papunta na siya sa isang closed-door “abbey”. Tinanong ko pa siya kung sa reception ba ako pupunta. Pero I doubt na narinig niya ako kasi madali siyang pumasok sa loob nang bartolina niya. Siguro bawal talaga magtagal dun sa room na yun due to radiation. Kaya siguro siya nagmamadali. Pumunta ako sa reception, at pinaghintay ako para sa aking last test: Interview.

Interview. Medyo matagal din bago ako tawagin nang doktor sa loob nang consultant room. Me pasyente pa kasi nung dumating ako. After 10 years lumabas na yung isang pasyente. Akala ko ako na yung susunod pero meron pa palang nakapila before me. Ang tagal kasi… as in. Kaya inip na inip na ako. E kaso, nowhere to be found yung nakapila bago ako. Kaya ako na yung tinawag. Mwahahaha.. Tinanong niya ako about sa mga health histories saka inexamine niya yung mga paghinga hinga ko… pati tenga. Tapos parang nahihiya siyang sinabi sa akin na “hindi na kita i-rerectal exam ha?”. Hindi ko maintindihan at first kasi mahina niyang sinabi. (Note: Babae pala yung doktor ko dito) Dito ko sasabihin sa inyo: Kapag hindi ninyo maintindihan ang tanong, wag kayong sasagot nang YES or NO. Mapapakahamak lang kayo. Nung hindi ko maintindihan yung tanong niya, medyo natawa ako na ewan, pretending na narinig ko yung tanong niya. Pero napansin ata niya na hindi ko nagets, kaya inulit na lang niya. Buti na lang hindi ako sumagot nang NO. Haha… Tapos after nun pinapunta niya uli ako sa reception.

Sabi sa akin nung nasa reception, ok na daw ako. Choice ko daw kung magpapadental check ako. E since nagpacleaning na ako nung last week, sabi ko hindi na lang. Kinuha ko ang ID ko, at pumunta na ako dito sa office.

Kahit na naging madali naman yung APE ko, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ko towards this adventure. HIndi ko talaga trip. Promise. Pero ang maganda lang nga dito, makikita kung healthy ka pa ba, o me kailangan nang gamutin. At least maaagapan. Pero kahit na. Ayoko pa rin nang amoy nang ospital. Kahit clinic pa yan! :P

Ang susunod kong adventure ngayon? Pagffile nang ITR for fiscal year 2007. Abangan na lang ninyu. :D