Blessed me Father for I have sinned… My sin is…
I ate meat this Lenten Season.
Gusto ko talaga magsacrifice this week by doing the old Catholic way — abstain from eating meat. Kapag uuwi ako everyday from office at nararamdaman kong nagugutom ako, I go to the nearest fast food chain or footh (my invention, portmanteau of food and booth) at kakain ako hanggang sa feeling ko e hindi na ako gutom. Pero ngayong week, nagkaroon ako nang isang matinding dilemma: Yes I won’t eat meat. Pero nagugutom ako. Saan ako kakain??
Noon ko lang narealize na lahat nang kinakainan ko pala everyday e puro me meat (iniisip ko ngayon kung gaano kahirap maging vegetarian). Mula Monday hanggang Wednesday I tried not to eat meat. Pero I have to eat something or I will die really fast! Kaya ayun… Eto yung mga kinain ko sa tatlong araw na nakalipas:
Monday. Kasama ko si April bumili nang food niyan, so nung bumili kami nung lunch e naimpluwensiyahan talaga niya akong huwag nang kumain nang meat. Bumili kami ng food sa Reyes Barbecue — kilala sa mga ulam nilang grilled liempo, pork barbecue at grilled burger. Waaaa…. I was this close sa pagkain nang meat that day *halos magkadikit na ang hinlalaki at hintuturo ko* pero naging mautak ako. Ang binili namin? Grilled Pusit. Still yummy, and at least hindi siya meat (for me I classify meat as those that came from land-based animals like pork, beef, kangaroo and koala). Akala ko ligtas na ako sa pagkakasala. Pero nung pauwi na ako, nakaramdam ako nang gutom, and I knew that moment na bibigay ako. Wala akong kasama that time to stop me (sabagay, kahit meron ata e hindi rin ako mapipigilan dahil sa nararamdaman kong gutom that time), pero ang nagpahinto sa akin ay ang budget ko. I have P150 left. Kailangan kong ibudget ang pera ko to suit my needs — to eat and to be able to go home. P40 ang pamasahe ko sa FX, so I have P110 left. Ayoko sagarin yung pera ko, so P100 na lang ang inilaan ko para sa pagkain. Nakita ko ang Burger King, at nasabi ko na lang sa sarili ko na “I am really sorry. Pero ano magagawa ko? I am only human”. At umorder ako nang Whopper Jr., regular drink and fries. Normally pag kakain ako sa Burger King ang ino-order ko e yung Whopper with Cheese (hindi Jr.) at large Sprite at fries. Pero naisip ko, siguro ok na kung kaunti lang ang oorderin ko. Nakakabusog na, nakapag-ayuno pa ako (well, nagkataon lang siguro dahil nga sa P100 lang ang budget ko).
Tuesday. This day, sinabi ko talaga sa sarili ko na I will not eat meat again. I have to abstain! Pero sinabi lang sa akin nang aking darker self: “Oh really? C’mon”. Anyway, sa office kasi namin e may naglalako nang pagkain for lunch. Kaso sa kamalasan, dahil sa sobrang dami nang ginagawa e hindi na ako nakabili kasi naubusan na. Naisip ko na hindi pa na man ako gutom that time so sige, work na lang muna ako. Yes. Hindi ako naglunch. Pero nung mga bandang 5:00 kumalam na ang sikmura ko. I have to feed this beast inside of me. So nagpunta ako sa pinakamalapit na McDonald’s and yes kinain ko uli ang sinabi ko — I ordered one quarter pounder and two large fries. Naiiyak talaga ako that time *habang sarap na sarap na kumakain* dahil for the second time hindi ko na naman natupad yung gusto kong ma-achieve this Holy Week. Pero kasabay ko na lang nilunok ang pride ko kasama nang paglaklak sa quarter pounder.
Wednesday. I have to be strong this day. Kinabukasan e Maundy Thursday na. I have to be strong… I have to be strong. Pero nadaig pa rin ako nang kasibaan ko. That lunch, nag McDonald’s uli ako at bumili na ako nang one-piece chicken with two more extra rice. Pero this time tinablan ako nang karma. Nung pagdating ko sa pantry namin para kumain, noon ko narealize na ang chicken part na binigay sa akin e yung kinasusuklaman ko sa lahat — wings. Bukod sa napakakaunti e parang tipong mabibitin ka talaga, e gusto ko pa naman sa chicken yung pinapapak. So there, I ate all three rice (two extra and one included in the package) with the chicken wing (sana talaga nag two-piece chicken na lang akoh! grr) at tinatawanan ang aking bansa na kasalukuyang nanganganib na magkaroon nang rice shortage. For the third time, kumain uli ako nang meat.
Naramdaman ko na parang ako si Pedro. I told myself not to eat meat, but I ate meat three times within three days. At natapos yun sa pagtilaok nang chicken (wings). Nagpadaig ako sa aking makamundong pagkagutom. And that’s so lame of me. Pero bandang huli naisip ko rin na you do a Holy Week not just by not eating meat. You can do (good) things that you don’t normally do kapag ordinary days. Things that might help you go closer to Him. Things that might help you to reflect.
But well, yang mga huling sinabi ko na yan e mga lame justifications ko lang. ![]()



