I just read this article. Nung nabasa ko yung headline, medyo nairita ako sa lawmaker na sinasabi dahil parang ang kill joy naman nito. Pero nung nabasa ko yung intention niya on why he wants to abolish boxing and other “violent sports” here in the Philippines, medyo napaisip rin ako.
Marami na nga sa mga kabataan natin ngayon ang nalu-lure sa sport na ito dahil na rin sa nakikita nilang yumayaman sina Pacman at (kung meron mang) iba pang mga boksingero na nagsasapalarang makipagbakbakan sa ibang bansa. Dahil sa kahirapan, handa silang maputukan nang kilay, magka-brain damage o makipagmeet ke Kamatayan para lang kumita nang easy money.
Pero ito ba talaga yung point? Bakit nga ba me kahirapan in the first place? Hindi ba dapat inuuna muna nang gobyerno na isipin kung paano lalabanan yung poverty na every year e pataas nang pataas? Yung mga naiisip nila kasing plano e mga pang short-term lang. Hindi naman mapipilitan yung bata na makipagboksing-boksing kung nakakapasok siya sa eskwela para mag-aral at me tiwala siya na makakahanap siya nang maayos at ligtas trabaho pagka-graduate niya.
Naiisip nila yung about sa sports, pero bakit tila wala atang bill na naipapasa on how we could raise the standards of education in this country? Natatawa lang ako na nagbibigay lang sila nang pansin sa mga bagay kapag nangyayari na. Like yung sa Ms. Binibining Pilipinas World na nagkamali-mali sa pagsagot nang tanong. Nung marinig nila yan ipinalandakan nilang kailangan daw na itaas ang education quality dito. Tapos ngayon na umuwi si Pacquiao na me panalong championship belt, nagpapasa naman sila nang bill like this. Ningas-kugon. Pasikat.
Tama na. P4 sounds like a presidential candidate again. ![]()



