Pacquiao-Marquez III?

Ano ang masasabi ko sa laban ni Pacquiao nung Linggo? Kailangan nang rematch.

Kung tutuusin, “patas” na ang status nang dalawang boxer from their first fight. Parehong controversial yung naging decision e. Nung 2004 naging draw ang laban, Marquez kept the belt. This year, nanalo si Pacquiao at nakuha niya yung title na Super Featherweight Champion. Sinasabi ni Marquez na dapat siya yung nanalo, pero dahil sa isang point na naibigay ke Pacquiao, naging split decision at sa kanya napunta yung titulo.

Medyo frustrated lang ako, kasi sa dalawang nakaraang laban ni Pacquiao — kina Morales at Barrera — ang pagkakatanda ko e pareho silang napabagsak ni Pacquiao, and he defeated the two of them by KO. Tingin ko talaga matatag si Marquez, kasi kahit napabagsak na siya ni Pacquiao sa third round, nabawi agad niya yung moral niya sa sarili at nagawa pa rin niyang bumangon at pumuntos.

Clouded masyado yung decision, dahil kahit marami ang naniniwala na tama naman talaga yung naging turnout nang laban, marami din ang naniniwala na something is definitely wrong, and the only way to finally settle this is to do another rematch. Tingin ko naman ke Pacquiao, hindi uurong yan e. He’s just focused more on his career, lalo na ngayong tatlong belt na ang nagkikinangan sa baywang niya.

I believe the part three of Pacquiao-Marquez encounter would materialize, pero I am afraid this won’t happen anytime soon. Let’s give both fighters the time to heal their wounds. I still believe the business isn’t over.

Congrats Manny!