Kapag papasok ako sa opisina, normally sumasakay ako nang FX mula sa amin, tapos bababa ako sa MRT Quezon Avenue station. Tapos from there sasakay ako nang MRT. Minsan, kapag colorum yung FX na sinasakyan ko, at may mga MMDA na nakaabang sa MRT Quezon Ave., kinakailangan nilang magpaka-sneaky para di mahuli. Kaya dumidiretso na sila sa GMA Kamuning Station. Gets ba?
Monthly Archive for March, 2008
I just read this article. Nung nabasa ko yung headline, medyo nairita ako sa lawmaker na sinasabi dahil parang ang kill joy naman nito. Pero nung nabasa ko yung intention niya on why he wants to abolish boxing and other “violent sports” here in the Philippines, medyo napaisip rin ako.
Blessed me Father for I have sinned… My sin is…
I ate meat this Lenten Season.
Gusto ko talaga magsacrifice this week by doing the old Catholic way — abstain from eating meat. Kapag uuwi ako everyday from office at nararamdaman kong nagugutom ako, I go to the nearest fast food chain or footh (my invention, portmanteau of food and booth) at kakain ako hanggang sa feeling ko e hindi na ako gutom. Pero ngayong week, nagkaroon ako nang isang matinding dilemma: Yes I won’t eat meat. Pero nagugutom ako. Saan ako kakain??
Ano ang masasabi ko sa laban ni Pacquiao nung Linggo? Kailangan nang rematch.
Kung tutuusin, “patas” na ang status nang dalawang boxer from their first fight. Parehong controversial yung naging decision e. Nung 2004 naging draw ang laban, Marquez kept the belt. This year, nanalo si Pacquiao at nakuha niya yung title na Super Featherweight Champion. Sinasabi ni Marquez na dapat siya yung nanalo, pero dahil sa isang point na naibigay ke Pacquiao, naging split decision at sa kanya napunta yung titulo.
Naranasan mo na ba yung taimtim kang nagtatrabaho, tapos biglang me kakanta (o uungol?) na sisira sa solemnity nang ginagawa mo? Ito yung mga naka-headphones tapos biglang kakanta nang malakas, na akala niya e mahina pa rin yung boses niya. Pero nilalakasan talaga niya yung boses niya kasi gusto niya marinig yung sarili niya kahit naka-headphones na siya. Ako nakaranas na. At sinasabi ko sa inyo, masakit talaga sa ulo. Buti sana kung isang beses lang… pero hindi. Araw…. araw. So often that you want to transfer another seat that is far far far far away from that creature.



