Sa pamilya namin, ako lagi ang inaatasan na gumising nang maaga para makapagpabasbas nang palaspas (wow rhyme). Hindi ko alam kung kailan nagsimula yun, basta ang nangyari na lang e sinabi sa akin ng nanay ko na “Anak, alam mo na ang gagawin mo sa Linggo. Ikaw ang in-charge diyan”. Since hindi nga naman nakakapagsimba talaga ang buong mag-anak (bihira yung chance na kumpleto kami talaga), ako na lang ang nagpapabasbas.
Sa Katolisismo, ang Palm Sunday ay ang paggunita sa araw na matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Herusalem. Lulan siya nang isang bisirong asno, at ang mga tao ay nagpupugay sa kanya sa pamamagitan nang mga ‘palms’ o sa wika natin, ‘palaspas’. Kaya tuwing Linggo nang Palaspas, ginugunita ito sa pamamagitan nang pagbabasbas nang Holy Water nang pari sa mga palaspas. Hindi ko sure kung abundant sa Metro Manila ang palms, pero minsan gumagawa nang palaspas ang mga Pinoy gamit ang mga materyales mula sa puno nang niyog. Konting buhol dito at buhaghag doon at poof! Me palaspas ka na! Noong mga 6 years old pa lang ako e bumibili kami ahead of time. Pero since ako na ang in-charge (hehe) e bumibili na lang ako bago ako pumasok nang simbahan.
It turned out na ok na yung misa. Kaso ang naging problema e hindi organisado yung daloy nang tao. Naging kaugalian na dito sa amin na pagkatapos nang misa, e pipila sa gitna papuntang altar ang mga tao para magpabasbas. Pero ang nangyari, lahat nang pintuan e pinasukan nang tao, kaya naharangan yung mga taong tapos na magpabasbas at lalabas na (ang daming rhyme sa post na to!). Buti na lang at hindi nagkaroon nang stampede. Mga limang minuto rin kaming na-”stranded” sa loob nang simbahan, dahil sa sinasalubong kami nung mga papasok at gusto magpabless nang palms nila. Naging factor din yung mga nakaparadang sasakyan sa tapat at gilid ng simbahan. Kaya mistulang bottleneck kami doon.
Buti na lang at buo naman akong nakalabas sa simbahan. Pinipilit kong isara nang kaunti ang mga mata ko, kasi yung mga lokong bata, pinaglalaruan yung palaspas. Baka mamaya e tamaan nila yung mata ko. Pag nangyari yun, tatamaan sila sa akin.
Medyo hindi ko nagustuhan yung mga naging kaugalian habang nasa misa. May mga palakpakan here and there. Hindi ako super banal, pero hindi ko sure kung dapat ba talagang may palakpakan kapag Kuwaresma. Hindi ko rin naman sinasabi na dapat e malungkot tayo. Ang point is, we have to reflect and evaluate ourselves. We have to cleanse our selves of sin in preparation for His resurrection. Tingin ko hindi dapat tayo nagpapalakpakan — lalo na sa simbahan — kapag Lenten Season.
Nawa e maging daan ang season na ito para makapanilay tayo, at maihanda natin ang ating mga sarili sa muling pagkabuhay ni Hesus. Patunayan natin na karapat-dapat tayo sa pag-ibig na ibinigay niya sa atin nung namatay siya sa krus para iligtas tayo sa ating mga kasalanan.



