Kapag papasok ako sa opisina, normally sumasakay ako nang FX mula sa amin, tapos bababa ako sa MRT Quezon Avenue station. Tapos from there sasakay ako nang MRT. Minsan, kapag colorum yung FX na sinasakyan ko, at may mga MMDA na nakaabang sa MRT Quezon Ave., kinakailangan nilang magpaka-sneaky para di mahuli. Kaya dumidiretso na sila sa GMA Kamuning Station. Gets ba?
Ngayong may background ka na, eto ang maikling kwento.
Payapa kaming nakasakay sa FX na ito kaninang umaga. Napapansin namin na parang medyo tensed yung boses nung driver habang siya ay nakikipag-usap sa kanyang two-way radio. Ako naman medyo naaaliw makinig sa usapan nila kasi pag two-way radio kasi, me mga codes silang ginagamit kapag nag-uusap. Kapag sinabi nilang “Double Mama” ibig sabihin MMDA (or, me manghuhuli sayo loko kang colorum ka!). Kapag naman sinabing “Oscar Kilo” ibig sabihin e “OK”. Kanina may naririnig akong mga kataga, pero wala pa sa dictionary ko yun, kaya hindi ko maintindihan. Pero kung pakikinggan mo yung boses nung driver namin, medyo tensed siya kaya alam mo agad na yung pinag-uusapan nila e medyo… uhh… paano ko ba sasabihin to… medyo hindi maganda. Kaya nung nasa Agham Road na kami nagsalita na yung mamang driver.
Driver: Yung mga bababa po nang MRT sa GMA Kamuning na lang po tayo ha.
Pasahero #1: Naku, bakit naman?
Driver: May nanghuhuli po kasi sa Quezon Ave… e mahirap na po, colorum po tayo e
Pasaheros # 1, 2, 3: *commotion*
Pasahero #2: Sige po diyan na lang po ako sa may kanto.
Pasahero #3: Diyan na rin po ako sa may kanto.
So bumaba halos lahat nang mga pasahero. So patawid na kami nang kalsada noon didiretso na kami nang GMA Kamuning. Sa akin naman walang problema kahit sa GMA Kamuning. Basta MRT. So nung patawid na kami, isang nakakairitang tanong ang bumulabog sa aming lahat.
Pasahero #4: Manong mayroon pong bababa nang Quezon Avenue.
*Tingin kami lahat sa kanya. Walang nagsalita.*
Ok, naka earphones siya. Pero hello? Me commotion na sa loob nang FX pero wala ka pa rin sa mundo? Siguro marami lang siya iniisip. O baka blangko ang utak niya that time. Ewan. Malay ko ba?
Nakarating din kami nang GMA Kamuning. Nung bumaba na ako, nagtaka ako kung bakit hindi bumaba yung babae (yes, babae si Pasahero #4). Iniisip pa kaya niyang ibabalik siya sa Quezon Avenue? Ewan. Malay ko ba? ![]()



