Singing at Work

Naranasan mo na ba yung taimtim kang nagtatrabaho, tapos biglang me kakanta (o uungol?) na sisira sa solemnity nang ginagawa mo? Ito yung mga naka-headphones tapos biglang kakanta nang malakas, na akala niya e mahina pa rin yung boses niya. Pero nilalakasan talaga niya yung boses niya kasi gusto niya marinig yung sarili niya kahit naka-headphones na siya. Ako nakaranas na. At sinasabi ko sa inyo, masakit talaga sa ulo. Buti sana kung isang beses lang… pero hindi. Araw…. araw. So often that you want to transfer another seat that is far far far far away from that creature.

Maraming times na halos lahat na nang mga kasama ko e napapansin na yung pag-ungol nung isa naming co-worker, na itatago natin sa pangalang SoundScream (pinagsamang pangalan nang dalawang Decepticons na sina Soundwave at Starscream). Lahat kami nagugulo. There are times na we are talking about some serious issues, tapos biglang kakanta siya out of nowhere. At some point, nakaka entertain, kasi nagkakaroon nang laugh trip. Pero pag palagi nang ganoon, parang hindi na maganda.

May nagsabi na sa akin one time na kausapin ko na and tell to that person na her singing act disturbs almost everyone. Kahit yung mga naka headphones na malakas ang sounds naririnig kasi nanunuot yung boses niya. And that isn’t healthy at all. Kaso I can’t think of a way na masasabi ko sa kanya yung problema without having the possibility na ma-offend siya. Well I really don’t care kung ma-offend siya, ayoko lang lumabas na parang ang siga ko na pinagsasabihan siya. Pero habang nag-iisip ako nang paraan kung paano ko sasabihin sa kanya, someone did the step. Pero unfortunately, hindi pa rin tumalab. Tuloy pa rin ang concert. Nakatakas lang kami sa concert niya nung nagtransfer na nang seats (salamat talaga! salamat!).

Sa workplace, unhealthy talaga yung mga generator nang unnecessary distractions. Ok lang kung pa-kaunti-kaunti, kumbaga in small amounts lang. Pero kung araw-araw na, hindi na maganda. Minsan nga hindi ko alam kung talaga bang hindi niya alam, o nananadya siya. Kasi parang, nakikita naman niya na napapatingin na sa kanya yung mga tao, pero parang inilalakas pa rin niya yung pagkanta (or pag-ungol) niya. Or kung tumigil man siya, sandali lang yun. After 5-10 minutes eto na naman siya.

I have read an article sa web about those unhealthy habits done in the workplace. Though hindi straight-to-the-point na sinabi na singing aloud in workplace is one of those habits, nagets ko yung concept na hindi ka dapat gumagawa nang mga things na possible na makadistract na sa co-worker mo. Yes me karapatan kang kumanta, pero me lugar para diyan. You can whisper the lyrics if you feel like singing, or kung naka headphones ka, make sure na me portion yung ears mo na nakalabas from the headphones para aware ka sa lakas nang boses mo.

To Soundscream, please be considerate to your co-workers. Well, I am not in the position now to talk as if I am the victim here. Isipin mo na lang na mas nakakahiya pag napagalitan ka nang boss mo dahil sa habit mo na yan.