Kanina ko lang nalaman ito nung sinabi sa akin nang nanay ko habang nag-aalmusal kami. Medyo bangag pa ako sa antok noon nung ibinabalita niya sa akin ito. Nagising lang ang dugo ko nung malaman ko na yung insidenteng yan e nangyari mismo sa village namin.
So pagkarating ko dito sa office, sinearch ko agad sa news, at ayun nga, doon ko naconfirm na sa village nga namin naganap yung nakakalungkot na pangyayari. Ibinigti raw patiwarik yung mga biktima, saka inundayan nang saksak sa katawan. At nalaman lang nang mga kapitbahay nung nagtaka na sila kung bakit walang sumasagot nang telepono.
Ginamit ang bintana para makapasok sa bahay, di lang para pumatay kung hindi pati na rin magnakaw. May mga alahas daw na nai-report na nawawala, kaya suspetsa nang mga pulis e robbery nga ito. Nakakalungkot lang, kasi kailangan pa ba talagang patayin yung mag-iina para lang makapagnakaw?
Ang tatay daw e nasa Korea at nagtatrabaho bilang OFW. Pero alam na rin daw nito ang sinapit nang kanyang pamilya. How devastating.
I feel disturbed, since ang palaging naiiwan sa bahay namin e yung nanay ko at yung pamangkin ko. Kami nang ate ko e nasa trabaho, tapos yung tatay ko, nasa malayong lugar na hindi namin alam kung saan. Kaya hindi rin maialis sa akin na mag worry thinking na doon mismo sa village namin e may nangyaring ganito. Kaya lagi kong kabilin-bilinan sa nanay ko kanina na ilock ang pinto. Minsan kasi naiiwang hindi nakalock, lalo na kapag biglang pumapasok si Kulit (yung pamangkin ko) at hinahabol naman siya nang lola niya.
I feel sorry for the family, and to the father who chose to be separated from his wife and sons to worked hard and give them a better future. But it seems that all sacrifices were put in vain, because some low-life mammal stole not only their jewelries.
Source: GMA News



