Dumating na yung APE Results ko nung makalawa at talaga namang kabado ako nung paakyat ako para lang kunin yun. Seryoso! Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko pag nalaman kong me chronic disease ako o bilang na ang araw ko sa earth. Kaya talagang sabi ko na, ayoko nang mga gani-ganitong exam.
So there, kinuha ko nga yung results ko, at sabi nga doon na I should maintain my weight. Tatlong kilo na lang, overweight na ako! At kapag hindi ako tumigil sa kakakain nang sobrang dami, malamang na magkaroon na ako nang hypertension, at ayoko nun. Kaya kaninang umaga e sinimulan ko na ang aking bagong activity that should be done first thing in the morning. Exercise.
Wala kaming dambel sa bahay, kaya ang ginamit ko e yung maliliit na water container namin. Nilagyan ko nang tubig tapos nagbuhat ako na parang ordinaryong dambel lang. Darating ang panahon magiging macho man na rin ako. At hopefully baka mapagkakitaan ko pa.
Ok, after noon, gumawa ako nang konting sit-ups para lumiit na ang tiyan ko. Kailangan ko nang paliitin itong tiyan ko dahil sa.. uhh… nagkukulang na ako sa pantalon na nagkakasya sa akin.
Honestly, hindi ako naniniwala sa mga pills na naglalabasan ngayon na makakatulong raw para gumanda ang katawan. Una, magastos. Pangalawa, baka mamaya may side effect pa yan. Kaya I still prefer the natural way (well kung gusto ko mang magpalaki nang katawan, gagamit na lang ako nang steroid. Nyahahaha… Joke lang mga kids!).
Titignan ko kung tatalab sa akin itong pinaggagagawa ko tuwing umaga. Kapag hindi, mapipilitan na akong mag-gym. Pero tingin ko malayo pa yan.
[Punung-puno nang smiley ang blog na ito. Ewan ko ba. :lol:]



