Kung pupunta rito sa future si P4 na galing August 2006, malamang nabatukan ako noon at sasabihin, “Bakit ka naging programmer?!” (Got this one from Bob Ong. Hehe…)
I never imagined myself being a programmer. Meron pa nga akong blog entry dati (sorry wala na siya ngayon) swearing na hindi ako tutuloy sa career path na yon. Pero sabi nga nila, things change. All the time.
Nung grumaduate ako two years ago (yep, totoo yan… walang dayaan nang edad dito) I really wanted to become a network/system administrator. Inaamin ko dati na hindi ako mahusay sa soft development, at mas gusto ko yung nagkakalikot nang mga hardware parts, network cables, at pag-usapin ang dalawang computer. Kabisado ko pa dati yung OSI layers tapos kung ano yung mga port numbers for each protocol gaya nang FTP at HTTP. I know how to compute how many IP Addresses for a specific number of nodes per network. Pero dati yun. Hehe.
Nag-a-aspire akong maging CCNA/SCSA, kasi gusto ko talaga magwork sa mga ganyan. Pero things didn’t work out the way I planned them. Nag-apply ako sa mga companies na iyan ang laman nang resume ko. Kaso none among these companies offered me my typical workplace.
BTW, ano nga ba ang typical workplace para sa akin? Let me enumerate:
- Gusto ko happy ako sa ginagawa ko. (Crap. That translates to “Gusto ko mataas ang sahod ko”)
- Gusto ko may sarili akong telepono.
- Gusto ko may sarili akong computer.
- Gusto ko yung computer na yon, may Internet access.
- Gusto ko may sarili akong table at hindi nakikishare sa iba.
- Gusto ko may sariling cabinet para sa mga gamie
- Dapat 8 hours of work a day, approx. 8am - 5pm.
Pero nakita ko na hindi nasusunod lahat nang criteria na yan nung nag-aapply ako as the taong networker. Though yung iba sa criteria ko inaamin kong mababaw, maliban sa item #7. Kadalasan sa mga in-apply-an ko, on call, o kaya may night shift. E ayoko nang ganoon. Nakita ko na yung isa kong kaibigan na nasira nang husto ang kanyang biological clock dahil sa pagnnight shift. It took him months ata bago naka-recover? Hindi ko lang sure. Kaya inisip ko na mukhang malabo ito.
Sabihin mo nang wala akong kwenta, since hindi ko ipinaglaban ang gusto ko. Pero naisip ko, may alam din naman ako sa programming. Sinasabi ko lang siguro na mahina ako, pero baka naman kayanin ko. So I applied for this company. Damn, lahat nang criteria ko pasok. Uhh.. for item #1, wag na natin pag-usapan.
Pero sa ibang aspects, yep, I feel like a full-pledged young urban professional.
Pero siyempre, mayroon akong specific motivation kaya ako pumasok dito sa career na ito. Let’s just say na what I am today is pure bitter work. I have to love programming, for some reasons that I can’t disclose here. And since then, adik na rin ako sa programming, na I even created a Perl script para gawan ako nang mga folders for a specific task.
Naaalala ko tuloy itong isang naging CAT Officer ko nung high school na eventually naging school mate ko rin nung college na mawawalan ako nang choice but to pursue this career. Sabi ko pa sa kanya hindi mangyayari yun. E nung mga time na yun masyado pa akong ideal. Akala ko e makukuha ko talaga yung career na gusto ko. Pero on my case, nagkatotoo rin yung mga sinabi niya.
Pero as of now, I enjoy my work. At last napatunayan ko sa sarili ko na hindi “kalat-kalat” ang naicontribute ko sa isang project.
I am not saying that my experiences might apply to everyone’s experiences. Possible na makahanap nga naman kayo nang work na talagang babagay sa gusto ninyong maging. Kapag nangyari yun sa inyo, be grateful, dahil hindi lahat nang tao e nakakakuha nang ganyang oppotunity. ![]()



