For the nth time nahuli na naman yung driver ng FX na sinasakyan ko dahil colorum. Mabuti na lang at medyo considerate yung MMDA traffic enforcer at pinababa na lang kami sa MRT Quezon Avenue.
Ayon ke Copongcopong, ang ‘colorum’ ay tawag sa mga pampasaherong dyip, taxi, and in these case FX taxi, na hindi lisensyado na pumasada. Malalaman mong colorum ang isang sasakyan sa pamamagitan nang pagtingin sa plaka nito: dilaw kung lisensyado, puti (o green yung kulay nang letra) kapag colorum. Kadalasan sa mga pumapasada, lalo na sa amin, e colorum, marahil dahil na rin sa sobrang mahal nang prangkisa. Kaya kung tutuusin, mas mataas ang kita nang colorum na sasakyan, kasi wala nang binabayaran na kahit ano: prangkisa, ‘toll fee’ sa mga dinadaanang village, at insurance. Yes, kapag naaksidente ang sinasakyan mong colorum at nadali ka, walang insurance ang driver na maibabayad sa pagpapagamot mo.
Medyo marami na rin akong adventures sa pagsakay nang colorum na sasakyan. Pero marami man, isa lang talaga ang pinaka-exciting sa lahat: yung time na nakipaghabulan kami sa MMDA at inikot namin ang buong Quezon City para lang iligaw yung humahabol na traffic enforcer.
College pa lang ako noon at since ako ito, maaga ako pumasok that day. kung tutuusin 6 pa lang nasa school na ako, pero may biglang tumigil na motor at kinatok yung salamin nung driver namin. Pinagbuksan naman niya nang bintana, pero nung inakala ko na ibibigay niya ang lisensya at rehistro nang sasakyan niya, nagkamali ako. Nakipagsigawan pa siya nang “hindi ko ibibigay sa iyo lisensya ko!”, na parang katumbas nang “hindi ko ibibigay sa iyo ang kendi ko!”, sabay harurot sa sasakyan kahit naka-red light pa.
Noong una akala ko e madali naming maliligaw yung pusa, este, yung MMDA, pero nagkamali kami. Since nakamotor siya, mas mobile siya kesa sa amin. Kaya kung anu-anong traffic violation na ang nagawa nang driver namin para lang makatakas: nag U-turn sa hindi naman dapat U-turn-an, beating the red light seven times, overspeeding at pagmamaneho nang lasing (I just made that up, sigawan mo ba naman yung MMDA nang “hindi ko ibibigay sa iyo ang lisensya ko!” na para kang bata?). Sabi ko nga that time, kapag nahuli itong hudas na to, matutulog sa kulungan to.
As I’ve said, nagpaikot-ikot nga kami sa Quezon City. Just imagine, nakarating na kami nang Cubao, tapos bumalik pa kami nang Novaliches. Dinaanan na namin ang pinakamakipot at pinakamaluwag na daan (sa Commonwealth, naghalo kasi doon yung makikipot at maluluwag na daan) at tumakbo nang pinakamabilis (120 na ata ang takbo namin non. Syet ang sarap magracing! woooo). Pati puso namin ang bilis nang takbo, tapos parang kami na nasa likod nang FX e mga lookout, saying “Andyan pa sa likod! Bilisan mo!”.
It took us an hour before namin na-evade yung traffic enforcer. Para kaming nasa Need for Speed: Most Wanted na tuwang tuwa kasi nakawala na kami sa paningin nang enforcer. That time, nasa Gulod, Novaliches pa lang kami at 7 na. Ang una kong class ay 7:30. SYEEEEET! Buti na lang nung pagdating ko sa eskwela e wala pa yung prof ko. Whew! Nakaranas na ako nang instant racing, hindi pa ako late. wooooooo!
Hindi ko alam kung bakit mas pinipili nang mga colorum drivers ang pumasada na may takot sa dibdib na baka mahuli nang MMDA. Mas marahas pa ngayon, dahil kung ang bahay e naiispray-an nang “DRUG PUSHER ANG NAKATIRA DITO”, dito naman ang sasakyan mo e mapipintahan nang “COLORUM -MMDA” (Minsan iniisip ko kung magkamag-anak ba si Fernando at si Lim)
Siguro kahit gustuhin man nilang makakuha nang prangkisa, hindi nila magawa. May nabasa kasi akong notice doon sa terminal sa may amin na parang signature campaign, para mabigyan nang prangkisa yung mga colorum sa amin. Hindi ko lang alam kung ano na nangyari doon.
Sana e mabawasan na yang mga colorum (wag lang sana dito sa office, kasi pag walang bus na umiikot, di kami makakaalis dito kung walang colorum).


0 Responses to “Colorum”
Leave a Reply