Earth Day 2008

Sa lahat nang tao na nakikinabang sa ganda nang kalikasan, at sa mga umaabuso nito, nais ko kayong batiin nang Happy Earth Day! :lol:

Hindi talaga ako environmentalist gaya nang iniisip ninyo ngayon nang mabasa ninyong “crap, nagbblog nang ganito si P4?”. Pero minsan nakikita ko na rin ang mga pagbabago sa kalikasan na hindi na maganda, na ni isnabin e hindi ko na kayang gawin. Mga bagay gaya nang mainit na panahon (as in sobra, huwag mong ikatwirang porket summer) at hindi na blue sky kapag hindi tanghaling tapat (dahil sa sobrang itim nang usok na ibinubuga ng mga sasakyan at pabrika). Being in an urban place isn’t that cool anymore. Araw-araw may idea ba kayo kung gaano kadaming usok ang hinihithit mo? Usok nang tambutso nang sasakyan, sigarilyo, pinagsunugan nang shabu nang kapitbahay mo. Lahat yun, nakakaapekto sa kalikasan natin.

May nabasa na rin ako na article sa isang dyaryo showing how our ice ‘islands’ melting drastically dahil sa init nang araw na pumapasok sa atmosphere natin dala nang pagnipis nang Ozone layer. Masyado na ring mainit dahil sa pagdami (o pagkapal?) nang greenhouse gases sa atmosphere. Lahat nang bagay sa mundo nawawala sa balance dahil sa kalokohang ginagawa natin araw-araw. And darating ang panahon, pati hangin bottled na rin.

All of us can do something to help prevent global warming. Here are just some of those things na pwede nating gawin:

  1. Huwag nang magdala nang sasakyan, magcommute na lang. Hindi pa magastos.
  2. Huwag mag-aksaya nang tubig. Patayin ang gripo kung hindi rin lang kailangan. Sabi nga sa isang commercial, by year 2025 kukulangin na tayo sa tubig kung patuloy pa rin tayong mag-aaksaya nang tubig. (Kaya mag Downy Isang Banlaw ka na!)
  3. Wag basta magtapon nang bagay-bagay. Isipin kung mapapakinabangan pa.
  4. Huwag iwanang nakasaksak ang mga de-kuryenteng kagamitan kung hindi rin lang ginagamit. Kahit nakapatay yan, gumagamit pa rin yan nang energy. Save over 1,000 lbs of carbon dioxide and US$256 per year by unplugging them.
  5. Kung malapit din lang ang pupuntahan mo, magbike ka na lang. Hindi ka lang nakatulong sa mother nature, nakapag-exercise ka pa.

Ilan lang yan sa pwede mong gawin para makatulong. Siyempre, hindi porket hindi ka nagsmoke ngayong araw e ok na. Isipin na lang natin yung mga susunod na henerasyon na makikinabang sa maiiwanan natin.

Huwag nating ipagwalang-bahala ang global warming. Sabi nga, hindi ito cool.

0 Responses to “Earth Day 2008”


  1. No Comments

Leave a Reply