MMDA Chair Posters

Nabalitaan ko lang sa news na gustong paimbestigahan ni ParaƱaque Rep. Roilo Golez si MMDA Chairman Bayani Fernando. Ito ay sa ginagawa umanong pag-”uglify” ni Fernando sa Metro Manila by putting up tarpaulins and posters na may mukha niya. Gustong malaman ni Golez kung ang perang ginagamit sa pagpapagawa sa mga tarpaulins na ito ay mula sa gobyerno.

Napapansin ko na rin yang mga tarpaulins na yan, na may larawan ni Fernando na nakatingin sa yo tapos nakalumbaba ala-Lincoln. Tapos sa baba may nakasulat na “KAAYUSAN” tapos iba ibang punchlines sa bawat litrato. Nung una medyo nalibang akong basahin yung mga nakasulat sa ibaba, pero nung tumagal nainis na rin ako at naisip ko rin na “Bakit may mga poster si Fernando rito? Hindi naman siya ganito nung mga nakaraang taon?”. At doon ko nga nalaman sa news na nagpahiwatig na si Fernando nang kagustuhang tumakbo para maging presidente sa darating na 2010 elections.

2010 Elections. 2008 pa lang ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ang daming atat nang mangandidato para sa 2010 elections, gayong dalawang taon pa naman ang layo noon mula sa atin ngayon. Puro pamumulitika, puro ambisyon. Where’s the love man?

Una sa lahat, I like how Fernando beautifies Metro Manila. Ikinatuwa ko talaga yung paglalagay niya nang urinals on public places para nga naman hindi na mag-evolve nang tuluyan ang mga lalaking Homo Sapiens into a Canis lupus familiaris. Natuwa rin ako sa mga foot bridges na nilagay nila, kasi they made it sure na hindi yun pamamahayan nang mga magnanakaw o holdaper kasi walang bubong kaya hindi sila makakatambay basta-basta. Napabilib din ako nung mga office nila sa ilalim nang GMA Kamuning flyover, kasi transparent talaga yung office para makikita mo na wala silang milagro na ginagawa sa loob. Though these things are so ideal to be real, maganda pa rin yung ipinapakita niyang efforts para maging maaliwalas ang Metropolitan. Pero may gusto lang akong linawin. Ayokong maging Pangulo ko si Bayani Fernando. Not because I think he can never be a good president, but because I think he can be good at what he’s doing right now. Doon na lang siya. Kasi pag nangarap pa siya nang mas mataas na posisyon, masisira lang siya nang pulitika. Gaya na lang nang nangyayari ngayon. For me, naiinis ako sa mga pinapakita niyang hakbang gaya ng mga tarpaulins na yan. Mas nakakasira nang imahe niya yan kapag napatunayan na galing sa pondo nang MMDA - which comes from our taxes - ang mga pampagawa nang mga tolda na may mukha niya.

Bakit ba iniisip nang mga Pilipino na kapag nasa pulitika sila e mas makakatulong sila sa kapwa nila? Hindi ba nila alam na mas makakatulong pa nga sila kung nasa private sector lang sila? Hindi ko talaga maintindihan. Minsan parang ayoko na maniwala na gusto talaga nilang makatulong kaya sila pumapasok sa pulitika. Ngayon pa lang, parang nakikita ko na ang gusto lang nilang maabot e yung kanilang mga ambisyon. Haay buhay.

Hindi lang si Fernando ang nakikita kong gumagawa nang ganito ngayon. May iba na rin akong nakikita na mga posters na nagpapakita nang litrato nang mga pulitikong nakikita ko lang ang litrato kapag palapit na ang eleksyon (kung tutuusin nga ang layo pa e).

Huwag muna kayo mamulitika. Gawin ninyo nang tama ang tungkulin ninyo ngayon. Tapos saka ninyo yan ipagyabang pag pwede na kayong mangampanya.