I started riding the MRT nung first year college ako, bale that was 2006 (haha). Pero ang unang pagkakataon talaga na nakasakay ako nang MRT e noong high school pa lang ako, nung pinapunta ako sa office nang tatay ko sa Makati. Since then nakita ko na siguro ang lahat nang wrestling moves na pwede mong gawin para makasakay ka lang, especially during peak hours.
Peak hours at MRT starts at 7-10 sa umaga, at 5-9 naman sa hapon/gabi. Ito yung mga oras na either nagpapasukan na ang mga tao sa opisina or sa school, or umuuwi na sila sa kani-kanilang bahay. Nung college may mga times na nakakauwi ako na hindi peak hours sa MRT, pero ngayong hindi na ako student, I had to deal with the wrestles sa tinatawag kong ‘MRT Underground’.
Kung nanaisin mong magpunyagi sa MRT Underground, I suggest na basahin mo ang blog entry na ito. Kung hindi naman, basahin mo na rin. Nandito ka na rin naman.
Sa MRT Underground, you don’t have to be physically fit para makipagwrestle. Yes, tama ang pagkakabasa mo. Ang ginagamit dito ay utak, saka lang ang muscles. Kakailanganin mo lang maging physically fit kapag napa-away ka na or napikon na yung kasama mong pasahero.
These are some of the ways that I learned from the master himself, Joe Takbo. The name’s fictional, pero totoong tao siya. Lagi ko siyang nakakasabay kapag papasok ako dito sa office. Actually iisa lang kami nang office building. Pero sa kanya ko talaga natutunan ang mga ways of the MRT Wrestler. Kapag bumaba siya sa MRT, don’t expect na maglalakad lang siya. Tumatakbo siya. Literally. Using his elbows and wicked moves, nagagawa niyang makapasok sa loob nang MRT nang walang kaproble-problema. At nagagawa rin niyang akyatin mula platform hanggang concourse area - take note, nang AYALA STATION - within 1 minute flat. Sinubukan ko noong sabayan siya sa pag-akyat, pero sa pagkakataon na ito, siya ang nagsabi sa akin na “You’re going down”. The best si Joe Takbo, kaya mula noon, sinunod ko na ang ways niya. And here are some of those Codes of MRT Wrestler:
- Itulak mo ang kaharap mo kapag mabagal siyang pumasok na tipong naunahan pa siya nung nasa likod mo. May mga wrestler kasi na nawawala sa sarili kapag nasa oras na nang kagipitan. Ang marahas na pagtulak sa kanya ang tanging paraan para makabalik siya sa mundo.
- Hawiin mo yung mga pasareho na nakabalandra sa pinto, tapos sabayan mo nang killer look. Kadalasan sa mga wrestlers e sa pinto nang MRT nakatayo, gayong sa pinakamalayong station pa pala sila bababa. This is the time that you use your elbows. Kunyari hindi ka makadaan so itataas mo ang mga balikat mo para itaas yung bag mo. Tapos pasimple mo silang iknockdown using your elbows swinging from left to right.
- Siyempre hindi pwedeng puro offense. Dapat me defense din. Be mindful of your surroundings. Sa Tagalog, wag kang aanga-anga. Dahil kapag nalaman nang nasa likod mo na aanga-anga ka, gagawin nila sa iyo yung step 1. Kaya kapag naiimagine mo nang itinutulak ka, dalawa ang pwede mong gawin: Either wag kang gumalaw na parang isa kang bato or itulak mo sila pabalik. That way maa-annoy sila at mawawala sa sarili. Saka ka pumasok sa loob.
- Kapag nasa loob ka na nang MRT, kadalasan may biglang sisingit sa tabi mo, tapos hahawiin ka para mawala ka sa puwesto mo. Yun kasi yung time na yung malamig na hangin e sa yo nakatutok, at gusto niyang angkinin ang oportunidad na yon. Sisimulan niya ang pag-agaw sa puwesto mo kapag ipapasok niya yung paa niya tapos unti unti niyang ibubukaka para mapalawak ang teritoryo niya. Ang gawin mo, stand still. Wag na wag kang bibigay. Kapag in any chance, na over power ka niya at nakakuha na siya nang tamang stance sa pagtayo, ilagay mo ang paa mo sa gitna nang mga paa niya. That way magiging iritable siya kasi di siya makagalaw nang maayos, at pwedeng dahil sa pagiging iritable niya e lilipat na siya nang pwesto o makikipagbabagan pa lalo sa yo. Pero tandaan. Kahit na anong mangyari, don’t give in. Pwesto mo yan at hindi dapat nila maagaw yan sa yo.
Yan lang ang ilan sa mga natutunan ko kay Joe Takbo. Marami pang iba, ngunit mangangailangan nang sapat na demonstration para maipakita yung mga moves. Iisa lang naman ang concept nang MRT Wrestling. Ang mautak ang palaging nananalo. Kapag nagpautak ka, do a counter-utak. Wag papatalo. At sa bandang huli, ikaw pa rin ang hihiranging kampeon. ![]()


Ayos to - you make riding the MRT sound like a competition sport
minsan kasi kahit ayaw mo… mapipilitan ka.
fredi.. natuwa ako sa entry mong ito.. at makakarating sa iyong itay na… may panahon ka pa magblog.. isusumbong kta hahahah =P
humanda ka pag ginawa mo yun. nyahahha….