Yan yung sabi nung nag-iisang nanalo nang P249-milyon nung isang linggo. Hehe.
Napag-uusapan na namin yan dito sa office since the first day na nabalita na me nanalo nga raw. Sinasabi na siya (kung sino man siya) ang kauna-unahang tao na nanalo nang ganito kataas na pera sa Lotto. Solo pa niya! Kahit sabihin pa ninyong me tax yan, let’s say P49 million, ok lang sa akin! Malaki pa rin ang P200 million no!
Pero kung ako ang tatanungin, ano nga ba ang gagawin ko sa P249 million kung sakaling manalo ako nang ganito kalaki?
Nung nagkakwentuhan kami nang mga kaibigan ko about sa kung saan nila balak papuntahin ang ganyang kalaking pera, halos lahat sila e nagsabi na magpapatayo na lang sila nang franchise nang either McDo o Jollibee para lumago. Ako hindi ko agad naisip yun. Marami rin kasi kaming gastusin na kailangan munang mabayaran bago ang lahat. Kaya hindi ko agad naisip na magpundar na lang nang negosyo.
Ang mga gagawin ko sa ganyang kalaking pera? Eto…
- Babayaran namin yung natitirang balance namin sa bahay, para amin na to!
- Ipapagamot si Kulit para mawala na yung ubo niya
- Bibilhin ko yung bahay doon sa isang executive village na nakita ko (worth P6.5 million daw yun nung sinubukan naming tumawag for laughing trip)
- Bibili kami nang malaking Sony Bravia
- Magpapakabit nang mabilis na internet para pede mag-Youtube hanggang umaga
- Other plans
Hindi ako hypocrite para sabihin na ibibigay ko sa charity yung iba. Kasi kung gagawin ko yun, sisiguruhin kong hindi babanggitin ang pangalan ko. Dahil ang pagtulong ay hindi nangangailangan nang kahit na anong pagkilala.
Sa “other plans”, doon ko lang siguro iisipin na ilaan sa isang negosyo ang pera para naman lumago. Para sa iba yung mga plano ko e for sure na mababaw, pero yan lang kasi ang naisip kong mga plans if ever na manalo ako nang malaking pera. Pero sabi nga nang nanay ko, mahirap kapag kumita ka nang one time-big time money. Ang mga bagay na mabilis dumating e mabilis ding nawawala. Kaya mas preferred ko pa rin yung maghanap-buhay na lang, dahil doon e mas mararamdaman ko yung tagumpay dahil sa lahat nang mapupundar ko e galing sa pawis ko mismo. Pero siyempre kung mananalo ako nang ganyang kalaking pera? Hindi ko tatanggihan yun!
Please note: Hindi po ako nagpapawis nang ginto.



