I really don’t know kung bakit puro sisihan ang ilan sa mga (ex)government officials tungkol sa krisis sa bigas sa Pilipinas. I even heard Erap saying na noong panahon daw niya e hindi daw nagkaganito. Seriously, bakit kailangan mong ipagyabang ang termino mo na dalawang taon lang at napatunayan pang corrupt?
We should stop pointing and blaming each other. Bukod sa hindi nakakatulong, nakakadagdag pa sa problema. The government should stop for a while and review their agricultural programs. Ano ba ang dapat gawin para tumaas ang rice production sa bansa para hindi na mag-angkat pa? Nakakalungkot isipin na tayo ang nagturo sa mga karating bansa natin kung paano magtanim nang palay, pero tayo pa ang nag-aangkat mula sa kanila.
They should really think about it. Lalo na yung mga gustong tumakbo sa pagkapangulo sa 2010. Hindi yung puro tarpaulins tapos puro kaayusan sa Maynila lang ang iniintindi. Tandaan mo na hindi lang Maynila ang hahawakan mo once na maging pangulo ka nga. *ubo! ubo!*



