Photography. Anyone?

Nitong nakaraang Sabado pumunta ako sa office para magprint nang BIR form 1700 para sa isa na namang pakikipagsapalaran sa government office - ang pagffile nang ITR. Dapat magwowork din ako for a while, kaso maglilinis pala nang carpet. Since ayoko namang maging sagabal doon sa mga maglilinis, umuwi rin ako agad after three hours of some light work. Pagbaba ko sa office building, dumaan muna ako sa Sony Showroom para magtingin-tingin nang camera. I am really serious to have one. It’s not like I want to make money out of it. I just want to capture some moments. Moments na posibleng hindi ko na makita kahit kailan.

Pagpasok ko, natuwa ako sa mga nakita kong DSLR na camera nang Sony. I am really ignorant when it comes to camera, I tell you. Ang alam ko lang, pag mas mataas ang pixels, mas maganda. Pero maliban doon, wala na akong alam. So nagtingin-tingin nga ako, at ang pinakamataas na meron sila doon ay yung 10.2 megapixels. Hindi ko alam kung paano basahin, pero parang Sony Alpha ata yun. Kumuha ako nang fliers, tapos pumunta na ako sa bus stop para tumuloy sa pag-uwi.

Pagkasakay ko nang bus, hindi ko napigilan ang sarili ko at tinignan ko yung flier na kinuha ko doon sa showroom. Wala pang ilang segundo e kinausap ako bigla nung lalaking katabi ko.

Siya: Wow, aspiring photographer ka ba?
Ako: Ah… hindi naman. *syet, bakit ko ba naisip buksan itong flier na to?*
Siya: Ako photographer din ako. Wala nga lang akong SLR, digicam lang.
Ako: Ah talaga? hehe… *please stop talking now*
Siya: Nagbabalak ka bang bumili ng SLR?
Ako: *Akala ko bebentahan niya ako* Ay oo sana, kaso kulang pa budget ko e.
Siya: So, me background ka na ba sa photography o nagsisimula ka pa lang?
Ako: Ay hindi pa, actually wala talaga akong alam dito.
Siya: Ah talaga? Kung bibili ka nang SLR, I suggest mag-attend ka nang mga short courses para alam mo kung paano mo mamamaximize yung features nang camera mo. Gaano kataas yung pixels nang camerang yan?
Ako: 10.1 or 10.2 ata.
Siya: Ano yung lens niya na available sa package?
Ako: Standard lens lang ata. (starting to show off my ignorance)
Siya: Ah… ano yung *put some sure technical-camera-related-stuff here*?
Ako: Ay hindi ko lang alam. hehe. *Boom. sira ang depensa ko*
Siya: Masaya ang photography. Pwede mo pa pagkakitaan. May alam ako pag nakita nilang ayos yung pagkakuha mo sa subject mo? Pag pumasa ka sa mga criteria nila, babayaran ka nila. Ang mga basic na lens na pede mong pagpilian e yung sa *may term siya na ginamit about sa lighting*, night vision, saka macro. Basic lang yun ah.
Ako: *Akala ko gusto kong itigil na yung usapan, kaso naisip kong magtanong*. Macro?
Siya: Yun yung pwede mong kuhanan nang litrato yung maliit na detalye na parang natural lang. Like kunyari yung insekto.
Ako: aahh…

After that, hindi na kami nakapag-usap uli. Gusto ko pa sanang magtanong, pero mas pinili ko na lang na manahimik. Tapos naitanong ko sa sarili ko, do I really want photography as a hobby? Magastos na hobby, I thought. You have to buy the unit na standard pa lang yung lens. Kung gusto mong makuha yung output na gusto mo, you have to buy lenses na minsan e mas mahal pa sa unit itself. Parang inisip ko na I can’t afford all this stuff just to satisfy my damn self. Tapos doon ko nausig ang sarili ko.

Talaga bang gusto mo ang photography? Baka naman naiinggit ka lang sa mga kakilala mo na nagkaroon na nang camera. Inggitin ka kasi, kaya for sure, nung nalaman mo na may camera yung ibang kilala mo gusto mo na rin magkaroon. Ano ba ang gusto mo? Photography? O gusto mo lang magpakitang gilas? Kadalasan, sa mga binibili mo, pag napagsawaan mo na e itatapon mo na lang. Pero isipin mo, malaking halaga yang itatapon mo diyan. Baka naman ngayon mo lang gusto nang photography tapos bukas ayaw mo na?

I must admit nahiya rin ako sa sarili ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko sa buhay. My mother once said na ang bagay daw talaga na hobby sa akin ay marksmanship, kasi nung bata ako nagagawa kong patumbahin lahat nang tau-tauhan namin *pati mga vase ni mama* gamit ang pellet gun ko. Pero naisip ko, mahal din ang hobby na yun, kumbaga sa bawat bala na ipuputok mo, iiyak ang bulsa mo. Ano ba talaga ang gusto ko sa buhay? Ayoko naman na puro computer na lang. I want to try something. Kaso kulang ako sa creativity, wala akong tiyaga, all I want is one-time-big-time. Akala ko lahat nang bagay mabilis lang matututunan, na lahat nang bagay e pwede kong maabot nang basta-basta. Pero ano na lang ang gagawin ko?

Naiinggit ako sa ibang tao. Kasi alam nila kung ano ang hilig nila. Pero ako? Hindi ko alam kung ano ang hilig ko. Hindi ko alam kung sino ako.