This may look like I am stooping down to someone na hindi ko ka-level. But I really think it would at least diminish the ire I am feeling right now.
Naranasan mo na ba sa buhay mo na minaliit ka, o nainsulto ka nang isang ka-trabaho mo indirectly, dahil bago ka lang at siya ay senior na? Na kapag may something kang alam na hindi niya alam, he/she would bombard you with questions, hindi dahil sa gusto niya ring matuto, kung hindi para lang i-scrutinize ka? Someone na sobrang taas nang tingin niya sa sarili niya, dahil pinipilit niyang siya yung isa sa mga huling nakaexperience nang “something-na-ni-hindi-man-lang-ako-apektado” na thing? Based on experience, yes. And I am not proud of it.
May mga tao na kapag hindi mo kinilala kahit man lang ang presence nila, mag iinit na ang dugo nila sa iyo. I am serious with that statement, because I think doon nagstart yung inis sa akin nang taong ito. Siguro inisip niya na porket hindi ako natawa sa joke niya e hindi ko na siya kinikilala (honestly, hindi talaga ako natawa). Well in the first place, why should I recognize him for something that I don’t think would make such a big deal? E ano kung nakarating ka na nang US? E ano kung magaling ka? Ni hindi nga ako nakikipagkompetensya sa iyo. Kaya ako nagtatrabaho not to gain any recognition from anyone, but because I wanted to prove to myself that I can do productive things, earn a living and learn new stuffs all at the same time. Do your thing, and let me do my own. Why can’t you just mind your own business? Seriously? Insecure ka ba?
Minsan, maiisip mo, ano ba talaga ang problema nang taong ito at parang ang init nang dugo sa mga baguhan? Parang ang gusto ata e tipong lahat nang newbies e siya ang titingalain. “Wow… ang galing galing mo naman. Please, let me kiss your feet, Rabbi”. What the? Pero sabagay, may mga newbies na siya nga ang tinitingala. I just don’t know if they have kissed his feet, or if they called him Rabbi. Pero kung iniisip niya na gagawin ko yun, just ask yourself. Why should I?
Siguro nga ganoon lang talaga siya ipinanganak sa mundo. Maybe, isa siya sa mga evil experiments na dapat sana e magpoproduce nang anti-CFC particles para mabawasan ang greenhouse gases sa planet earth and thus end global warming, pero ang nangyari e siya pa yung nagpapadagdag sa global warming by emitting sound waves na nagpapa-init sa ulo ng mga katrabaho niya.
Marami na rin ang nagsabi sa akin na just ignore him and do my thing, my original plan that did somehow irritated him. Pero kapag ginagawa na niya sa ibang newbies yung same thing na ginawa niya sa akin? Parang gusto ko siyang ilagay sa kalawakan na hindi nakasuot nang space suit at nang sa gayon ay unti-unti kong makita kung paano siya dinudurog nang pressure ng outer space. What an awful yet righteous way to die for some wild specie like him.
Sa mga taong nakakaranas na tratuhin nang mga katulad nitong sinasabi ko, be mindful of your actions. It is still better to stay humble. I still believe na ang mga nagmamataas ay ibinababa, at ang mga nagpapakumbaba ay itinataas. Hayaan nating isipin niya na napakagaling nga niya talaga, dahil sabi nga, pag sobrang taas nga naman daw nang lipad, masakit sa puwit pag bumagsak. (sorry… hindi ko talaga matiis na hindi gamitin yung word na yun
)
Gaya pa rin nang sinabi ko last time, I am not going to tell anyone kung sino ang tinutukoy ko. Maybe some of you already know who the hell I am talking about. Pero kahit na common knowledge na yun, hindi ko pa rin ipagsasabi. Ayokong makita sa blog ko ang nakakairita niyang pangalan.
At ikaw, kung sakali man na nababasa mo ngayon ito, mag-isip isip ka. Maaaring hindi ako ang taong katapat mo, pero makakahanap ka rin.



