‘Truth’ Tours

Hindi ko alam kung matutuwa pa rin ako sa mga ginagawang ‘Truth tours’ ni Lozada sa mga eskwelahan at probinsya. Parang joke yan e, pag paulit-ulit mong ibinanat, hindi na nakakatuwa.

I really don’t know kung ano ang napapala nila Lozada sa ginagawa nilang tours na yan. Is it just me o parang nagpapapansin na si Lozada ngayon? Noong nagtestify siya sa Senado about diyan sa NBN-ZTE Deal na yan medyo naniniwala pa ako, kasi makikita mo talaga na takot na takot siya. Pero ang nangyari, parang lagi na siyang nagpupupunta kung saan-saan, when in fact, dapat nagtetestify siya sa mga investigation sa deal na yun.

Ngayon gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyari sa mga efforts niya? The government seems to ignore him all the time. Para ngang hindi na siya nag eexist. Ano na nangyari sa investigation nang Senado sa deal? Yung version noon nang DOJ? Ano na nangyari?

Ahh… alam ko na kung bakit parang nakalimutan yung issue na yan… Bigla kasing out of nowhere biglang nagka-issue sa bigas…

How profound.