You’re Going Down…

Hindi ko alam kung saan ko narinig ang phrase na ito, pero naastigan ako at halos lahat nang tao na nakasalamuha ko ngayong umaga e sinabihan ko nang ganito. Parang nakakagaan kasi nang feeling. :lol: Pero syempre hindi ko sinabi to directly sa kanila. I just murmured to myself while looking at my target: “You are going down!”

Una kong nabiktima itong tricycle driver na nagbababa nang pasahero sa tapat nang village namin. Kakailanganin ko kasing sumakay nang tricycle para makarating doon sa FX Terminal na sinasakyan ko papuntang MRT. Tinatawag ko yung tricycle, expressing my intent na sasakay ako. Aba, ang walang hiya parang walang naririnig. At parang wala ring nakikita! So nilubayan ko na siya, at naghintay nang bagong tricycle na parating. At meron na nga. Nung palapit na sa akin yung tricycle, itong isnaberong tricycle driver tinatawag ako. “Boy, sa FX ka ba?” At dumating yung pinakahihintay kong sandali - ang paglubog niya. Tinignan ko lang siya, at tinignan niya rin ako asking uli kung sasakay daw ba ako sa tricycle niya. Pinara ko pa rin yung bagong dating tricycle at doon sumakay. Nakatingin pa rin yung driver, at habang tinitignan ko siya palayo, I said to myself, “You’re going down”.

Another scenario is nung nasa FX na ako. Dito sa amin kasi, lapastangan yung mga FX Driver. As in. Hindi sila magpapaupo sa harap unless babae ka at sexy ka. Pag others, dun ka sa likod. Meron din yung driver na sobrang bungangero daig pa ang babae kung pumutak. At meron din na talagang pabababain ka kapag binigyan mo sila nang 500 peso-bill para bayaran ang pamasahe na 40 pesos. Nakaencounter ko yung isang vicious driver nung nasa terminal na ako. Sobrang bastos nun, kahit matanda na yung pasahero, papatulan. Nagkataon na hindi ako nakasakay sa FX niya (buti na lang) at doon ako sa isang FX na kasunod niya. Matagal ko nang hinihintay ang sandali na luluhod sa putikan yung driver na yun, at nangyari na nga kanina - literally. Nung umaandar na yung FX na sinasakyan ko at tinatahak yung maputik na lugar sa amin (kasi yun yung dinadaanan nang mga FX para makaiwas sa trapik) nakita naming nakaluhod nga sa putikan ang bastos na driver at nagpapalit nang gulong. Hah! Again, I said to myself while looking at him, “You’re going down”.

At ito ang panghuli, nung nasa MRT station na ako. This is the most serious of all. Pababa na ako nang station. Bale underground kasi yung platform, so kakailanganing umakyat para makarating sa concourse area. Hindi na ako madalas makapag-exercise, kaya ang ginagawa ko, everytime na makakakita ako nang hagdan, doon ako aakyat kesa mag-elevator or escalator. That’s good to my heart! Kaya nga sa buong katawan ko, ang maipagmamalaki ko lang talaga na me buong muscle e yung mga binti ko. Dahil sa madalas na pag-akyat sa hagdan. So there, paakyat na nga ako nang hagdan noon nang biglang me humawi sa akin na isang mama mula sa likod at umarangkada sa pag-akyat sa hagdan. Ay syet kako, this means war. This is my territory you jerk! Since lagi nga naman akong umaakyat nang hagdan, I can say na me enough stamina ako to win this war. Kaya binilisan ko ang akyat at nung naabutan ko siya na ipapasok na yung ticket sa turnstile, hinawi ko siya at nauna ako. Na-bad trip ang loko, siyempre, gaya nang naramdaman ko kanina, nayurakan yung pagkalalaki niya sa ginawa ko. Kaya nakatingin siya nang masama sa akin. Nung ipapasok na niya yung ticket niya sa turnstile na dinaanan ko, saktong sakto naman na naging unavailable yung turnstile na yun. E ang haba pa naman nang pila sa lahat nang turnstile, at hindi siya makakasingit basta basta. That was my moment. I looked back to him and said to myself, “You’re going down”.

Matawa-tawa ako sa sarili ko nung nakarating ako dito. Para akong wrestler na nambubully. Somehow it is fun, pero minsan din kasi, tulad nang wrestler, kahit gaano ka pa kabully, hindi ka rin nagkakaroon nang chance na makita ang downfall nang target mo. Kaya let me me indulge on this moment, where I won.

You’re going down. :lol: