I’ve just read PC World’s Top 10 Google Flubs, Flops, and Failures. Interesting article, as it shows the 10 risks Google had taken in the past several years. Ni isa sa mga failures na binanggit doon ay hindi ko nasubukan. Siguro dahil sobrang luma na ata talaga noon, or bata pa rin talaga ako sa Internet.
Naging bestfriend ko na si Google for quite sometime, especially nung nag-aaral na ako nang Perl. Siguro yun lang ang programming language na natutunan ko by myself (naks, proud) sa tulong na rin nang Google. Isa sa mga famous kong search strings e mga tipong “how to create a shortcut file in perl” o kaya “how to know if a directory exists in perl”. Fortunately, kahit medyo mahahaba yung mga search strings ko, nakakakuha pa rin ako nang decent results and eventually nagagawa ko yung dapat kong gawin.
Kapag meron din akong hindi maintindihan na word na bigla ko na lang mae-encounter, magtatype lang ako sa search box nang “define:<word here>” at makukuha ko na rin agad yung definition. Very handy, lalo na kung maglalaro ka nang vocabulary game, gaya nang FreeRice (booooo! ANG DAYA MO!).
Napamahal din ako sa Gmail, an e-mail service provided by Google. Isa ata ako sa mga unang nakatanggap nang invite niyan at nakatry nung kauna-unahang 1GB na capacity na lumalaki habang tumatagal. Na-enjoy ko yung e-mail address ko, kasi that time, kakaunti pa lang ang nakakagawa nang mail kaya yung username ko e yung typical na [initials][surname]. Napakastraight-forward, at hindi naliligo sa spam mails.
Kung titignan, successful na ang Google, na kahit ang Microsoft e pinipilit pataubin ito (by trying to buy Yahoo!). At hindi magiging successful ang kumpanyang ito kung hindi sila nagtake nang risks. Yep, marami silang mga features na nagtagumpay, pero marami rin silang mga sinubukan na nagflop. Siguro kung hindi sila naging risk taker hindi nila maaabot ang narating nila ngayon. At yun ang sa tingin kong dapat gawin natin. In order to be successful, you have to take risks, accept failures, stand up and take risks again. Mahirap gawin, pero possible. ![]()



