Minsan nang nasabi sa akin nang nanay ko na ang pagkain daw ang pinakamasarap na bahagi ng buhay. Nasabi niya yan sa akin nung bata pa lang ako dahil parati na lang akong walang gana sa pagkain. Kaya nung bata ako halos lahat na ata nang sakit e dumapo sa akin (which I’d rather not say, hehe) dahil sa sobrang hina nang resistensya ko.
Maybe this is already an old joke, pero nung lumaki ako, pinipigilan na ako nang nanay ko sa pagkain. Siguro dahil sa tumataba na rin ako, at hindi na nagiging proportional sa height ko ang weight ko. And based nga sa APE results ko, I should now control my food intake, especially those foods that are fatty and salty.
Hindi ko ngayon alam kung dapat ba akong magsisi dahil sa hindi ako naging pala-kain nung bata ako, o dapat pa akong magpasalamat. Iniisip ko kasi, kung nung bata pa lang e naging pala-kain na ako, natikman ko na ang saya sa buhay: litsong kawali, crispy pata, kare-kare. Lahat kasi yan, pati na rin yung iba na bago sa mata ko, natikman ko lang nung tumanda na ako. Ang tanging kilala ko lang kasi na pagkain noong bata ako e manok: tinola, pinirito, adobo. Kaya tuloy ngayon, halos naglalaway na ako pag naririnig ko na yan ang menu. Iniisip ko tuloy, kung naging pala-kain ako, at lagi na akong kumakain nang mga litsong kawali at crispy pata, malamang patay na ako ngayon. Pero naiisip ko rin naman, ngayon namang nagiging late-bloomer ako sa mga ganyan, di na rin ako pedeng makakain kasi nga dapat icontrol ko na paglamon ko (whattaword).
Pero sabi nga, bata pa naman ako, saka kung mag-eexercise lang ako for at least 30 minutes a day, kahit lumaklak pa ako nang crispy pata, ok lang. Pero ang problema, hindi naman ako madalas makapagexercise, kasi paggising ko sa umaga, groggy pa ako kaya hindi ko na naiisip na mag execise (extra rice pa siguro!).
Where am I going with this post? Wala naman, I just realized na habang bata ka, lasapin mo na ang masasarap na pagkain, dahil pag tumanda ka na, kontrolado ka na. Bawal na ang pork, bawal na ang beans, etc. Ni gatas dapat yung sugar-free na or yung mga pang-matanda na (hindi daw nagustuhan ng nanay ko yung lasa, kaya hindi na niya itinuloy inumin). Iniisip ko pa lalo yung mga mayroong diabetes. Takte pati prutas kailangan minimum lang, kasi nakakapaggenerate din daw nang sugar yun.
Oh well, life’s like that. Hindi pwedeng lagi kang bata. Tatanda at tatanda ka rin. Either manatili kang bata at maging batang isip, o tumanda na may pinagkatandaan.



