Grammar/Spell Checker

There are times na nagkakamali ka sa mga isinusulat mo. Samtimes the speling is rong. Some times the gramar are not corrected. Minsan nga yung ‘where’ e nagiging ‘were’ sa akin, and vice-versa. Pero di maiiwasan yun, lalo na kung average English speaker lang. Sinasabi nga nila, noong araw daw kilala ang Pinoy sa buong mundo dahil sa pagiging fluent nito sa wika ni Tito Sam. Siguro dahil panahon pa nang Commonwealth that time, at and medium of instruction e English. Kaya siguro hasang-hasa na ang mga dila nila. Biruin mo, yung lolo ko, ilang taon na pero ang husay mag-English (e wala ka sa lolo ko!). Grabe! Akala ko ang mga kabataan ngayon ang mahuhusay mag Ingles. Pero hindi rin pala. Sa ngayon kasi, Filipino na ang gamit sa pagtuturo, kaya minsan kahit Science subject tinatagalog na. Kaya bihirang-bihira na ang mga fluent sa wikang ito. Kadalasan, mga galing na sa mahuhusay na eskwelahan.

At dahil sa number of population nang mga hindi fluent mag English ay halos mas marami na kaysa mga fluent sa wikang ito, hindi maiiwasan na maglipana yung mga Grammar/Spell Checker. Kumbaga e sila yung mga tagapagligtas daw sa nauubos nilang lahi. Minsan may mga ganitong specie na constructive magbigay nang grammar corrections. Though mapapahiya ka sa simula, pero at least natututo ka. Pero may mga Checker din na sobra kung umaglahi sa kapwa, na buti sana kung mahusay nga talaga, pero di niya alam, nahawa na rin siya sa sakit nang mga hindi masyadong mahuhusay sa wikang banyagang ito.

Gaya na lang nitong isang kilala ko na ang kapal nang muks para mamuna sa mali sa English nang iba, pero siya rin naman e hanep kung magkamali. Minsan nga iniisip ko kung talaga bang galing to dun sa eskwelahan na iyon, o baka may nagkamali lang sa college diploma. May one time kasi na nagkasagutan sa e-mail itong si Grammar/Spell Checker at si Archie Andrews (Redhead) dahil may pinagtatalunang isang bagay. May point si Archie, at makikita mo sa mga reply ni GSC na wala na talaga siyang panalo. Kaso, ang palpak ni Archie, nagkamali siya sa spelling nang isangĀ  word sa e-mail niya. Kaya etong si GSC, pinagkatuwaan yung kakapiranggot na mali ni Archie. Kumbaga sa sugat, kinutkot niya nang husto para magdugo, tapos pagtatawanan. Hindi ko lang alam kung me idea si Archie na pinagtawanan siya dahil sa simpleng bagay na iyon.

So ano nangyari ke GSC? Ngayon siya naman ang pinagtatawanan, dahil sa kanyang infamous comment sa isang blog, na kung pakikinggan mo e tama, pero kung babasahin mo e mali. Matagal na panahon nang sinabi sa akin nang kaibigan ko yung about sa blog na yun. Madalas ko lang makalimutang bisitahin kasi medyo marami iniisip. Isang araw binigay na lang sa akin yung link para isang puntahan na lang. Nakita ko na pwede palang maedit/delete ang comment dito sa blog na ito, so medyo pinanghinaan pa ako nang loob. Akala ko maiisip nun ni GSC na mali yung spelling nung comment niya at tinanggal na niya. But hell, nagkamali ako. NAROON PA RIN YUNG COMMENT! Wooooohooo! Hindi na ako nag-atubili. Kumuha na ako nang screenshot nang comment niyang iyon at itinago. Just in case na tirahin niya ang english carabao ko, ipapakita ko lang sa kanya yung screenshot na iyon para mapag-isip-isip niya na kasing bulok nang ngipin niya ang English niya!

Iyan ang hirap pag namumuna ka sa mali nang ibang tao. Dapat siguruhin mo na yung sasabihin mo na English e grammatically correct, kung hindi malilintikan ka. Maaaring hindi sinasabi sa iyo nang harapan yung kamalian mo, pero sa loob loob nila, tinatawanan ka nila para sa kapalpakan na ginawa mo.

Basta ako, hihintayin ko na lang na banatan niya ako. Mas ok nang maging counter-puncher. Right?

Who want’s first demotion or first promotion? :lol: