Heroes are Built

Ngayon ko lang nagawa itong entry na ito dahil, well, wala talaga akong excuse. Tinatamad lang talaga ako. So ayan, here are my random thoughts about the movie…

Last Monday kakapanood ko lang nang Iron Man, the newest movie released by Marvel Studios. This is the first movie ever financed by Marvel itself. Siguro dahil mas gusto nila na sa kanila yung bigger cut, they have decided to create the superhero films by themselves, tapos saka na lang sila hahanap nang distributor.

Sa totoo lang hindi ko nakilala si Iron Man, not until he showed up in the big screen. Hindi naman kasi ako masyadong nagbabasa nang mga comics, kaya nung nalaman ko na me movie pala na ganyan, saka ko lang siya nakilala. Hehe..

I love the Mark III suit. Talagang parang invulnerable na si Tony Stark and nakuha nga niya ang Fear and Respect.

Inannounce na nang Marvel that a trilogy will be created for this franchise and ang part 2 ay ipapalabas sa April 30, 2010. It promises to go on a more darker story, and might introduce the alcoholic Tony Stark na hindi muna masyado pinakita sa present movie. Possible din na baka lumabas si War Machine! Remember the scene where James “Rhodey” Rhodes glances at the Mark II suit of armor in Tony’s lab and says “next time baby”? Sweet!

Pinakita rin ang S.H.I.E.L.D. at si Nick Fury sa movie, so mukhang paninindigan talaga nang Marvel yung magkaroon nang movie na magsasama-sama lahat nang superheroes nila. Tapos magkakaroon pa nang small appearance si Tony Start sa upcoming movie na Incredible Hulk. Nice!

Yun lang. Sorry malabo. Sabi ko naman sa iyo random thoughts e. :D