Philippine Flag Day

Okay, maging makabayan muna tayo kahit saglit man lang. This day, May 28, is the Phillipine National Flag Day. Lumaki na tayo at lahat, at for sure may mga tao who doesn’t even care about their country’s flag. Kaya let me share some awesome stories that relates my life to the national flag.

I was a CAT Officer during my High School days. Nung COCC pa lang kami, kami yung may responsibility na mag raise nang flag every morning, kasi pang-umaga kami. Kami rin ang bahalang magbaba nung flag mula sa flag pole kapag hapon na. Minsan kasi, as a COCC, kailangan naming magduty sa hapon, kaya kadalasan e buong araw na kaming nasa school. Mahigpit na bilin sa amin na huwag na huwag hahayaang dumapo sa lupa kahit yung laylayan lang nang flag, at kailangan wag aabutan nang dilim ang flag sa pole. Para sa amin sinusunod namin yan nang buong giting, hindi dahil sa mahal namin ang bansa namin, kung hindi dahil parurusahan kami nang mga superior namin kinabukasan kapag nalaman nilang hindi namin ibinaba ang flag nung hapon. So nung umaga, ako saka itong ka-COCC ko ang nag-hoist nang flag that day. That was my first time, so excited talaga ako. Noong high school ako medyo adik ako when it comes to flag rules, kaya alam ko lahat dati yung mga rules kung papaano itatrato ang bandila. Alam din namin kung paano ifofold ang bandila properly (not the typical one that you do when you fold your twalya). So there, kami na nga yung magtataas nung flag. Ako yung nakahawak sa lubid tapos itataas ko. Yung kasama ko ang magkakabit nung tali sa mga butas sa flag. Sabi nung kasama ko ok na daw. So ako, ubod tindi kong hinatak pababa yung lubid na hawak ko para tumaas yung flag. But one shit happened. Hindi pala naisuot nang maayos nung kasama ko yung isang lubid dun sa flag. Kaya nung ubod bilis kong itinataas yung flag, dahan-dahan namang bumabagsak yung flag sa lupa. And yep, yung kabilang dulo nang lubid ay nasa kalahati na nang pole. We are stunned that time. Parang “syet ano na ang gagawin natin ngayon?!?!” So tinawag agad namin yung mga ka-COCC namin para humingi nang tulong. Sigurado na ito, 10 minutes kaming naka-squat nito (FYI, 5 minutes squatting is like 7 days in hell. Masakit ang paa, hindi makalakad nang maayos, lalo na if you’re a newbie). Tinawag agad namin yung janitor para tulungan kami. Mabait naman siya kaya inakyat niya yung pole (ala palosebo, except na walang langis yung pole). Eventually nalaman pa rin nang commandant namin, at nang mga superior namin. Lahat tuloy kami pinasquat that time. :lol:

Another story: Wake nang lolo ko. Beterano siya nang World War II so me flag na nakalatag sa casket niya. Nung dumating kami nang nanay ko, napansin ko agad yung flag. Sabi ko nga kanina, adik ako sa mga ganyan, kaya napuna ko agad na mali yung posisyon nang flag sa casket. Dapat yung flag kapag pavertical ang presentation, nasa kaliwa nang tumitingin (o nasa kanan kung kahilera mo yung flag) yung blue na part. Pero dito, nasa kanan yung blue. So sinabi ko agad sa nanay ko na mali yung flag dun sa kabaong ni lolo. Sinabi naman niya sa mga kapatid niya. Ang naglagay pala nung flag e yung mahadera kong tita na maestra sa university ng mga Sagittarius. Ipinagpipilitan niya na tama yung pagkakalagay niya nang flag, at talagang hindi niya kami pinapansin. Well ako hindi na ako nakipagtalo. Hinintay ko na lang yung panahon na yung mas authorized na tao ang pupuna sa kalokohan niya. Ito yata yung kauna-unahang pagkakataon na may sinabihan ako nang “You’re going down”. So nung dadalhin na sa Libingan ng mga Bayani yung mga labi nang lolo ko, nasa front row yung magaling kong tita. At ayun nga, doon napansin nang mga sundalo na mali yung pwesto nang flag sa casket kaya ibinaligtad nila. Hah! Hindi siya makatingin ngayon nang diretso sa tao. Biruin mo, during the wake parang ipinakita namin na nasa digmaan ang Pilipinas.

Yun lang naman yung mga kwento ko about my experiences with the Philippine flag. Me mga iba pa, pero medyo mahaba na to. Next year na lang, kung medyo makabayan na naman ako. :lol: