Secondary Phones?

Kapag sumasakay ako sa MRT or kahit sa FX lang, madalas akong makakita ng mga tao na dalawa ang cellphones. Kadalasan, yung isang cellphone e super powerful, like mga N95, tapos yung isang phone e tipong luma na at medyo lowtech, like mga 3310, o kaya 2100.

I just found out that some people does have two numbers at a time: yung isang phone Smart/Talk n’ Text ang provider, yung isa naman, Globe/Touch Mobile/Sun. Ayon sa aking deduction, kaya maraming tao ang naggaganito e dahil sa mga unlimited text services nang mga telco, at kadalasan, unlimited text to the same network lang. Kaya ayan tuloy, people are trying to be the best of worlds: Kung Smart ka, dun ka sa isang number ko magtext, otherwise, dun ka sa isa pa.

Madalas mag-init ang ulo ko sa mga taong ganyan. Well nung umpisa I wouldn’t care, kasi hindi naman talaga ako apektado. Pero kapag yung mga kakilala ko ay nagbibigay na nang dalawang number, at hindi mo alam kung pareho ba niyang ginagamit yun o either one of those numbers e wala na, doon na ako nagsisimulang mainis. Gaya na lang nitong isang college friend ko na dalawa talaga ang number, isang Sun, isang Globe, at isang Smart (oops, tatlong number pala). Hindi ko alam kung tatlo ba talaga literally ang phone niya, or iisa lang ang phone niya. Kaya tuloy kapag may emergency at gusto kong magtext sa kanya hindi ko alam kung anong SIM ang gamit niya, kaya kailangan ko pa munang pagring-in. Akalain mo, tatlong SIM card yung pagriring-in ko para lang malaman kung ano ang gamit niyang number?! Minsan naman, pag nagtext ka sa Globe niyang SIM Card, hindi siya magrereply, not unless itext mo siya sa Smart niyang SIM. Ano yun, tamad kang magreply to another cellphone?

Nasabunot ko pa ang buhok ko nung makita kong kahit ang kapatid ko e dalawa na rin ang cellphone. Naku, talagang niloko ko siya na “pati ba naman ikaw Ate dalawa na rin ang phone mo? Yan na ba ang IN ngayon?”. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan pa nilang magbother na magdala nang dalawa o higit pang cellphone at makipagsapalaran na baka mawala o manakaw ang phone nila habang nasa labas nang bahay, just for the reason na gusto nilang makatipid by doing unlimited text messages to the same network. Ironic, kasi paano ka makakatipid, kung dalawang SIM cards ang minemaintain mo?

Lahat yan dahil sa mga unlimited chuchu ng mga telco.

Sabagay, hindi nga naman talaga ako apektado, kasi hindi naman ako madalas magtext during weekdays, kadalasan nauubos ang load ko pag bumibili ako nang 24-hour unlimited internet access through SMS. :lol:

0 Responses to “Secondary Phones?”


  1. No Comments

Leave a Reply