There’s one night habang nakapila ako sa may FX Terminal. Kagagaling ko lang nang office, at medyo masakit na ang paa ko noon kasi sobrang bagal nang dating nang mga FX taxi. During these times, ang ginagawa ko lang e ang aking favorite past time: daydreaming. That time ang pinapangarap ko ata e magkaroon ako nang super bilis na internet access sa bahay tapos puro ako download nonstop. Nasa nirvana na ako noon nang biglang may kumalabit sa akin. Normally kapag may nagtatanong sa akin nang “Anong pila ito?” o kaya “Saan po yung pila nang San Mateo?” sinasagot ko naman sila nang may galang. Pero this time nabad trip ako at ni hindi ko siya tinignan.
Isang babae, siguro mga nasa late 20s to early 30s, medyo horizontally challenged. Kinalabit niya ako para manghingi daw nang kaunting tulong. Hep hep. Don’t judge me yet (I am not a book). Ang kinainisan ko sa taong ito ay nagdala siya nang sanggol, siguro mga 8 months to 1 year old, tapos dumedede nang gatas. That really pisses me off that I even turned my back on her.
Dear readers (kung meron man), kung mamamalimos kayo, never ever try to win people’s sympathy by bringing a baby with you. Kung inaakala ninyong nakakakuha nang simpatya yun, nope, I am not buying it. Well for me, mas ipinapakita mo lang sa akin ang dahilan para hindi kita limusan. I just can’t understand why do they have to bring a kid. Wag niya akong kakatwiranan na wala kasing titingin sa bata while she’s busy begging for some coins. Totally unacceptable.
I am very aware na sa lipunan natin, may mga mas mahirap pa sa daga. I understand that. Mahirap talaga ang buhay, tapos mahirap din maghanap nang trabaho lalo na kung hindi ka nagkaroon nang pagkakataon na makapag-aral man lang. Tapos nagtataasan pa ang mga bilihin. May joke pa nga ang nanay ko na “Buti pa ang mga presyo nang bilihin at singil sa kuryente at tubig tumataas. Lahat na sila nagtaasan. Ako na lang ang hindi.” Well even though begging is still unacceptable, I can’t blame those people doing it. Sometimes kapag hindi mo na talaga alam ang gagawin mo, you’ll have to resort to one thing that for you is the worst of all. Kung ako man, kung sakali lang, na maubos ang pera ko at hindi na ako makauwi? Siguro may chance na mamalimos din ako. Ang point ko dito, is never use the baby to gain sympathy. And not just that. Imagine, ibinabandera mo yung anak mo sa ibat-ibang klase nang tao, na hindi mo alam kung me sakit o ano? I bet dahil sa kakaikot nila malamang nakalanghap na yan nang smoke from other people’s cigarettes, or airborne particles na nagmula sa sumisinga, bumabahing, o umuubong tao. Hindi ba niya naiisip na posible pang dumagdag sa gastusin niya yung bata pag nagkasakit ito?
That night, nung nakasakay na ako nang FX, sinubukan kong hanapin kung nasaan na yung mag-ina (kung mag-ina nga sila) pero hindi ko na sila nakita. Hindi ko lang sure kung umuwi na sila, o lumipat nang ibang terminal.



