Worst Borrowers’ List

Naranasan mo na ba yung kapag ikaw ang nagpahiram nang gamit, tapos papasakitin pa nang nanghiram ang ulo mo, dahil bukod sa nasira na niya ang gamit mo, e ikaw pa ang kukuha nung hiniram niya sa table niya mismo?

I always try to be liberal when it comes to lending my stuffs to other people. Ayoko yung tipong ako yung babawi nung gamit, to think na dapat isinasauli mo na yun ng kusa on a specific day. Naging ugali ko na yan, kasi pag ako ang nanghihiram, nakakainis din kasi yung tipong halos oras-oras akong kukulitin, saying “tapos ka na?” like nung bata pa lang ako, at nanghiram ako nang VHS tape nang Home Alone 2. I swear, every 15-20 minutes kumakatok siya sa gate namin asking if tapos ko nang panoorin, gayong alam naman niya na isang oras ang minimum duration ng isang American motion picture. That really suck.

Pero siyempre, you can’t apply your idealism to reality as much as you wanted to. Me mga aabuso talaga sa pasensya mo, at sisira sa tiwala mo. Like this guy who borrowed my old hard disk. Hihiramin lang daw niya for overnight dahil magbabackup ata siya or something. Usually hindi ako nagpapahiram nang hard disk kapag magweweekends na, kasi mabobore lang ako sa bahay. Pero since mga mid-week yun, I allowed my HD to spend a night with him. Kinabukasan, I never asked him to give me back my HD. Hinintay ko siyang ibigay sa akin nang kusa yun, kasi ang usapan namin, ibibigay niya yun sa araw na yun, at ang usapan ay usapan. Lalaki naman siya so I thought he have some eggs to fulfill his end of the agreement. But no, he didn’t.

Lumipas uli ang isang araw, at hinintay ko pa rin na siya ang magkusa na lumapit sa akin at isauli ang gamit na ipinahiram ko sa kanya. Turns out, hindi pa rin niya isinauli. That’s the time na tinanong ko na siya about the hard disk. Inalis daw muna kasi niya yung mga laman nang HD ko, tapos saka niya ginamit. But nung ibabalik na niya yung original na laman, some files aren’t copied successfully. So sabi ko, sige try mo pa ring ibalik. Pero nung tinanong ko uli sa kanya, hindi pala niya naicocopy yung files. E kailangan ko na yung hard disk na yun, so I evaluated kung ok lang ba kahit wag nang icopy yung file. Naisip ko na pedeng manghingi na lang uli ako noon sa ibang tao, kaysa maghintay na macopy niya, when in fact hindi naman talaga niya kinokopya pabalik. So hiningi ko na yung hard disk. I thought may kaunti pa siyang hiya para mag-effort na puntahan ako sa place ko para ibalik yung hard disk. But no, he didn’t.

That’s the time na napigtas na yung straw nang pasensya ko. I don’t care kung busy ka. Ikaw ang nanghiram, ibalik mo sa akin yan nang hindi na kailangang ako pa ang tumayo. In fact dapat hindi ko na dapat sinasabi yun, dapat dalang-hiya na lang iyan. Hiniram mo ang HD ko overnight, ginalaw mo yung mga files ko at hingi mo maibalik nang maayos, tapos ngayon parang iniimply mo na hindi ka makatayo sa upuan mo para ibalik sa akin ang gamit ko?

Pinuntahan ko siya sa upuan niya at kinuha ko yung hard disk ko. I’ve heard him saying ‘thank you’, pero hindi na ako sumagot. Pinakita lang niya sa akin na he suck dahil hindi siya lalaking kausap. Since then, nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magpapahiram nang gamit sa taong ito.

Wanna know who he is? Give me P20,000. :lol: