All About Music

Sabi nang nanay ko, nung baby pa lang daw ako, lagi daw may nakalagay na radyo sa ulunan ko. Nakakatulog lang daw ako kapag nakabukas ang radyo, kung hindi e hindi ako makakatulog. Ganito rin ang ginagawa niya dati noong si Ate ko e baby din. Ginagawa daw niya ito para daw maging music lover daw kami.

When it comes to music, hindi talaga ako pihikan. I used to say na ayoko nang rock, pero hindi ko alam, yung mga napapakinggan kong ilang kanta na paborito ko e rock pala. So dumating din yung time na sinabi ko sa sarili ko na ok na sa akin ang rock. Kung tutuusin I don’t even have the slightest idea kung ano ang genre nang mga music na napapakinggan ko. Basta maganda sa pandinig ko, pinakikinggan ko. Pero kadalasan, una akong mahohook sa melody nang song. Saka ko lang maappreciate yung lyrics. Kaya tuloy yung mga kantang magaganda ang lyrics e hindi ko agad napapansin kasi kapag hindi maganda ang melody, hindi ko na agad pinapansin. I mean hindi naman talaga as in “hindi maganda” ang melody. Siguro may mga melody lang talaga na maganda nga pero hindi nakukuha yung atensyon nang mga tutuli sa tenga ko.

Marami sa mga kaibigan at kakilala ko, mapapansin na masyadong oldies na ang taste ko sa music. Kapag nasa bus o kaya nakikinig lang nang radyo at ang pinapatugtog e me kalumaan na, I’ll just found myself singing along with the song. Hindi ko sinasadya yun, parang reflex ko na na kapag may ipinatugtog nang kanta na ganoon, napapakanta na ako. Minsan nga gayang gaya ko pa mi ultimo yung pagkalabit sa mga string nang gitara. Kaya yung mga kakilala at kaibigan ko, kapag nakikita akong napapakanta, magtatanong nang may pagtataka sa mata nila: “Alam mo yang kantang yan??”

Nung bata pa lang ako, madalas ko lang nakakasama ang tatay ko kapag Linggo. Hindi ko pa alam noon kung bakit, pero umuuwi lang siya pag Linggo. At pag Linggo, hindi siya papayag na sa ibang istasyon nang radyo kami makikinig. Lagi niyang ipinipihit yung radyo sa isang frequency where ang mga pinapatugtog e yung mga kanta nina Frank Sinatra, Engelbert Humperdinck, o kaya The Carpenters. Habang pinupuno niya ang buong bahay namin nang mabahong usok nang sigarilyo, naririnig ko yung mga kantang sobrang sakit sa pandinig ko. Noon ko narinig lahat nang oldies na kanta na pedeng marinig nang isang bata. Imagine, every sunday ganoon ang scenario. Hanggang sa one time, nakakasabay na ako sa tono nang musikang nung umpisa ay ayokong pakinggan. Kaya siguro kapag pinapatugtog na ngayon ang mga kantang iyon, napapa-awit na rin ako. At kapag nakakaamoy ako nang usok nang sigarilyo habang naririnig ko ang mga lumang awit, nagsisimula na akong magkaroon nang nostalgia.

Ngayon ngayon na lang ako naeexpose uli sa mga bagong kanta. Sa tulong na rin ni April, nakakakuha ako ng mga songs na magbabalik sa akin sa kasalukuyang panahon. Natatawa ako kapag nakikita ko siyang iritable pag kumakanta ako nang mga lumang kanta. Hindi dahil sa pangit ang boses ko (dahil kasinungalingan ang sabihing sintunado ako!), kung hindi dahil sa parang may hindi tama sa isang 22-year old na binatang ang alam lang na mga kanta e yung mga nauso nung hindi pa siya ipinapanganak. Kaya kapag may pagkakataon, binibigyan niya ako ng mga MP3 ng mga kantang bago, mga naaayon sa edad ko. At natutuwa ako, kasi nagagandahan na rin ako sa mga musika na yun.

Kadalasan, kapag may isang kanta ako na paborito, hahayaan ko lang magplay yung kantang yun sa media player ko, until dumating yung time na uuwi na ako, or magsasawa na ako sa kanta at hahanap nang iba. Parating akong ganyan, kaya kapag lahat na nang kanta ko sa folder e naexhaust ko na sa tenga ko, magsisimula na uli akong humingi nang mga kanta ke April. Isa rin siguro sa dahilan kaya parang nag-aalangan akong bumili nang iPod. Baka lang kasi masayang, kasi baka mapuno nga nang kanta yung iPod, kaso hindi ko naman napapakinggan lahat kasi nanawa na ako.

Medyo weird ako pagdating sa music. Hindi ko alam kung bakit, pero tingin ko kung ibang tao ako at titignan ko ang sarili ko from afar, iisipin kong nanggaling ang taong ito sa past at nagbubuhay binata lang ngayon. :lol: