Ever since I was a kid, I’ve always wanted to live in a place na malapit sa lugar kung saan ako pumupunta araw-araw, like a school, or a workplace. Wala lang, parang naisip ko lang na mula pa noong bata ako, biyahe na ako nang biyahe. At habang tumatanda ako, palayo nang palayo ang destinasyon ko.
Noong elementary pa lang ako, medyo malapit pa, kasi sa Caloocan ako namumugad, tapos sa Quezon City yung school ko. Isang jeep lang ang kailangan para makapunta ako sa eskwela and vice-versa. Minsan pa nga, nasubukan pa namin nang nanay ko na lakarin mula eskwela pauwi nang bahay, kasi mahaba ang pila sa terminal nang jeep, at umuulan pa. Since basa na kami, nag-enjoy na lang kami habang naglalakad.
High School. Quezon City pa rin ang school ko, pero this time, along EDSA na. Kumbaga, yung school ko nung elementary e kilay pa lang nang Quezon City. Eto, heart of Quezon City na talaga. Para makapunta sa destinasyon ko, kailangan kong sumakay nang jeep, tapos konting lakad, tapos bus. Pag naman pauwi, doon na ako sumasakay nang FX. I’ve had lots of adventures nung high school days ko: nakaladkad na ako nang bus habang sumasakay kasi sumakay ako habang umaandar tapos medyo madulas yung hagdan, nadukutan na ako nang cellphone sa bus (more on that story next time) at nakatulog ako habang nakasakay na paggising ko nasa terminal na ako at ginigising na nang konduktor. Hindi ko malilimutan yung mga experiences na yun.
College. Big time na ang lolo mo! Sa kakabiyahe ko, nakarating na ako sa business central nang National Capital Region - Makati. Medyo asensado na rin yung paraan ko nang pagbiyahe, kasi mula sa bahay, sasakay na ako nang FX pa-MRT, tapos MRT na - katulad lang din nang paraan ko nang pagpasok ngayon sa opisina. Ang kaibahan lang e bumababa ako sa Buendia, saka sasakay nang isa pang jeep. Minsan nga nilalakad ko na lang kapag sobrang aga ko.
Ngayon parang gusto ko namang maiba. Gusto ko naman yung tipong hindi ko na kinakailangang gumising nang maaga (kasi baka mamaya mahaba ang pila nang FX), makakapag jogging pa ako (wushu), tapos papasok sa opisina na lalakarin ko lang. Nagsimula akong maisip yan nung nakita ko yung mga naggagandahang condo units dito sa vicinity namin. May mga itatatag pa lang yung pundasyon, meron yung talagang ang gaganda. Minsan naiisip ko kung ano ang feeling kapag malapit lang ang bahay mo, at hindi ka bothered sa oras kasi alam mong malapit ka lang. Bad idea lang kung ipapaalam mo sa manager mo na malapit lang ang bahay mo, kasi either mahihirapan kang magpaliwanag kung bakit ka naka leave (but anyways, benefit mo naman yun as an employee).
Masaya pa rin naman ako sa tinitirhan namin. Bukod sa feud nang mga pamilya doon, at ingay nang mga lasing na kumakanta sa videoke, masaya din ang buhay sa “probinsya”. Yun nga lang, kakailanganin mong lumuwas nang Maynila araw-araw. ![]()



