Favorite Mall Spots

Kapag ako ay pumupunta sa mall para mamasyal, gusto ko mag-isa lang ako. Hindi dahil sa autistic ako, at gustong laging nag-iisa. Alam ko lang kasi na dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari: hindi siya mag-enjoy kasi ako ang nagdedecide kung ano ang pupuntahan ko, or ako ang hindi mage-enjoy kasi susunod lang ako sa mga gusto niyang puntahan. Siguro kapag gusto kong mamasyal na may kasama, pwede. Pero kapag gusto kong magspend nang time alone, let me.

I usually go to the mall as early as I can, kasi ayoko na marami nang tao sa mall pag nakarating ako. Masyado nang mahirap mag-ikot ikot kapag marami nang tao. Mabubuwisit lang ako, kaya ang gusto ko ay iyong tipong ako ang magbubukas nang pinto nang mall.

Ilan sa mga lugar na gusto kong puntahan e yung mga computer and gadget shops. Kumbaga e andoon ang aking safe haven. I love seeing new gadgets, especially the ones that I can’t afford. Nakakapaglaway. :lol: Meron nga akong nakita one time na iPhone na ibinebenta nang 30k sa isang cellular store sa mall. Well, 29,999 talaga, pero ganun din yun. Napakasaya ko na kapag nakapasok na ako sa Power Mac Center. Lahat nang Apple gadgets andoon na: Wireless Keyboard and Mouse, iMacs, iPhones, iPod! Yun na ang aking langit. Seeing new gadgets is fun for me. Kahit na wala naman talaga akong dalang pera pambili.

Next stop is a bookstore. Kahit na ganito ako, gusto ko ring makapagbasa nang mga books, especially yung mga bukas na. Hehe… I can browse the pages without having to pay for them. Masamang habit, but I love it. :evil: Nagkakaroon din ako nang peace of mind kapag nasa bookstore. Parang nagssurf lang ako sa Wikipedia pero dito e naglalakad talaga ako. Having some extra knowledge about other things beside work is cool for me.

Gusto ko ring nagpupunta sa mga record bars. I love collecting original DVDs, kasi kadalasan may mga bonus features like yung the making, at pag sinuwerte, mga blooper reels. Nagpupunta ako sa record bars to see kung merong mga bagong release na DVDs, tapos hinahanap ko kaagad kung merong 2-disc edition. Pag nakakakita na ako, natetempt na akong bilhin agad, kaya para hindi ako maging magastos, sinusigurado ko na hindi ako magdadala nang madaming pera pag papasok sa record bars. Mamumulubi lang ako.

I also love watching movies. And, kadalasan, mag-isa lang ako nanonood nang sine. Hindi dahil sa walang gustong sumama sa akin. Siguro kung me kasama man ako o wala, ok lang sa akin. I would still enjoy watching movies kahit mag-isa lang ako. Bibili lang ako nang popcorn saka drinks, solve na ako. Hehe… Lalo na nung nanood ako nang Incredible Hulk. Sabi nang nanay ko e manood daw muna ako, kasi nakikita na niyang naiinip ako habang siya e namimili nang damit. Hindi ko talaga enjoy yung sumama sa pagbili nang damit, kasi puro lakad nang lakad, tapos sukat sukat. E ok lang maglakad nang maglakad kung nag-eenjoy ka, like seeing some new gadgets and DVDs, pero yung lakad nang lakad para mamili nang damit at pantalon para sa akin? Naku!

Kadalasan kapag pupunta ako sa mall, yan lang ang itinerary ko. Tapos kapag busog na ang mata ko sa kakatingin, saka lang ako uuwi. Doon lang fulfilled na ako. Para sa akin nakapagrelax na ako nang ganon kadali. :D