Kakapanood ko lang nung Sabado ng Incredible Hulk. As I’ve said many times, hindi naman talaga ako mahilig sa mga comic book characters. Gusto ko lang nang closure. Like when I’ve had a copy of the Lord of the Rings trilogy, and when I’ve got the opportunity to watch Iron Man for free. I just felt the need na panoorin sila kasi “in” sila at the time. The show time was exactly 12:40 p.m., and 12 pa lang noon, so naghintay muna ako sa labas bago ako manood. After 40 minutes of roaming inside computer stores and record bars, pinasok ko na ang sinehan.
I am surprised to see less people inside the movie house. Sabi sa labas, Incredible Hulk is “incredible”, a blockbuster. Pero iilan lang kami doon. And since maraming upuan, maraming choices so nagpunta na ako doon sa may bandang gitna.
Like Iron Man, the movie was created independently by Marvel Studios. It’s a story about Dr. Bruce Banner (Edward Norton) who possessed some stuff in his blood stream that causes him to go berserk whenever someone/something tries to excite him. In the film he even wears a watch-like gadget that monitors his pulse, so he would know if he’ll transform into a green Sasquatch any time soon.
So what’s with the film? Hindi ako nagkaroon nang chance na ikumpara yung Hulk na version ni Ang Lee sa version na ito ni Louis Leterrier. Hindi ko rin kasi napanood yung 2003 version nang movie na ito. So my views may change kung mapapanood ko na yung 2003 version at makakagawa na ako nang comparison.
Ok sana si Betty Ross (Liv Tyler) kung hindi lang siya mataba. Ewan ko, natatabaan ako sa kanya sa film. Para kasing taba niya si Regine Velasquez, except na mas magandang di-hamak si Liv. Parang hindi ako kinikilig kapag nagiging lovey-dovey na sila ni Banner, siguro dahil may one time na ininterrupt ni Banner si Betty nung magma-make love na sila. Masyado na daw kasing nae-excite si Banner, and for sure, ayaw naman niyang makipag-make love ke Betty while he’s in Hulk mode. Scrapping the chance na makakapaglambingan ang dalawa bores me. Pero ewan ko ha, kasi nung nakita ko si Stark at Pepper sa Iron Man, kinilig naman ako. Maybe hindi ko lang masyado nakita yung chemistry between Betty and Bruce.
I love the shot in Brazil where ipinakita doon yung mga bahay na halos gumawa na nang bundok. As in para nang bundok nang bahay yung place (inulit ko lang yung una kong sinabi). Medyo matagal nga lang yung oras na pinatay para ipakita yung premise, pero bearable naman.
I hate Blonsky (Tim Roth). Well, Tim Roth did one hell of a job just to make the viewers hate him. Sugapa sa kapangyarihan, that’s him. Natawa ako dun sa sinabi ni Sterns (Tim Blake Nelson) nung binanatan ni Blonsky yung babaeng pulis na nagtatanong sa kanya (Sterns) na parang “bakit lahat nang madaanan mo e binabanatan mo?” Hindi ko lang sure kung ano nangyari sa kanya afterwards, kasi napatakan yung sugat niya sa noo nang dugo ni Banner, and his face starts generating some Hulk-like characteristics. Maybe makakalaban ni Hulk sa sequel?
Unlike other Marvel movies were Stan Lee makes some cameo appearances, medyo matagal yung exposure niya dito ngayon, and at least me naicontribute sa story, like yung aksidente niyang pag-inom sa isang bottled drink na may halong dugo ni Banner, kaya mas napadali ang pagtrace ni General Ross (William Hurt) ke Hulk.
Hindi ako masyado nag-enjoy sa laban ni Incredible Hulk at ni Incredible Blonsky. Mula pa nung una hanggang sa final battle nila, medyo naisip ko na me something pang kulang. Nakakabitin na ewan, parang ganoon. Parang just like any other movies, matagal na binubugbog yung bida, as in pinapahirapan, and then nung babawi na yung bida, sandaling suntok lang e tumba na ang kalaban.
And gaya nang ipinangako, nagpakita si Tony Stark sa huli, talking to General Ross about “teaming up”. At gaya sa Iron Man, the scene ended with General Ross giving a vague stare response, and Stark staring at him.
For me, it is definitely different from Iron Man and other superhero movies where the main character actually saves lives. Parang more on a struggle of Banner to control himself, and to keep his blood away from the U.S. Army and other people. That means less action scenes involving Incredible Hulk and more dialogues including Bruce Banner.



