Memories and Regrets

Kakakuha ko lang nang yearbook ko from college. Actually kapatid ko talaga ang kumuha para sa akin, kasi wala akong time (at tinatamad akong pumunta nang Intramuros para lang kunin ito). Naghanda pa siya nang authorization letter na pinirmahan ko, pero hindi rin naging useful kasi hindi naman hinanap sa kanya nung kukunin na niya. So there, matagal na nasa kwarto ko yung yearbook, at ni isang beses hindi ko binuksan. Until kahapon.

Ayoko talagang tumitingin sa mga yearbook ko, lalo na nung high school. Hindi dahil sa ang pangit ko sa litrato (asa… gwapo to) kung hindi sa mga bagay na gusto kong takasan mula sa litrato na makikita ko sa loob nang librong yun. Mga bagay na gusto ko nang kalimutan, kasi nagsisimula lang akong manghinayang every time na maalala ko yun.

Of course, may mga masasaya rin naming alaala, like yung sa high school yearbook ko, andoon yung picture ko nung CAT Officer pa ako. Yung sa college yearbook ko naman… uhh… andoon yung picture ko.

Yan ang dahilan kaya ayaw ko magbasa nang yearbook. Kakaunti lang yung mga bagay na nagbibigay nang magandang alaala. Karamihan sa mga bagay na naalala ko, puro pagsisisi lang saka panghihinayang.

Isa sa mga ayaw kong part nang yearbook e yung honor roll. Syet, maaalala ko lang kung gaano ako kaburara nung nag-aaral ako. Andyan na yung mga ‘kung sana’ lines ko. Kung sana nag-aral akong mabuti para nabigyan ako nang parangal. Kung sana hindi ako nagpabaya e di sana nasa top ten ako. Kung sana. Pinangarap ko na makapagdala man lang nang medalya sa nanay ko, pero maraming beses ako pumalpak. Hindi ko nga alam kung pumalpak nga ba talaga ako, o sadyang hindi lang talaga ako sumubok. Hindi rin talaga siguro ako matiyaga. Siguro kung nagtiyaga ako sa mga ginagawa ko, posibleng nung recognition day e napangaralan din ako. Siguro kung nagtiyaga ako, e di sana isa ako sa mga huling tatawagin sa entablado para bigyan nang medal. Mahirap pala pag ang laging mong iniisip e fame bago hardwork.

Ayaw ko rin sa mga yearbook yung memory lane. Kung titignan ko yung yearbook ko nung high school, isa lang ang picture ko sa memory lane. Nakapikit pa. O kaya nakatalikod. Alam ko lang na ako yun kasi yung t-shirt ko e me nakalagay na pangalan ko. Pero maliban doon, wala na. Puro picture na nang… editorial staff nang yearbook? Interesting. Minsan nga nagtataka na ako kung bakit halos sa lahat nang page, puro memory lanes nang editorial staff ang nakikita ko. O baka naman guni-guni ko lang. Hehehe.

For me yearbooks should be kept in shelves forever. Titingin lang uli ako sa yearbook ko kapag masyadong maganda ang mood ko na tipong gusto kong mabadtrip. Sure, may mga magagandang memories na dala ang yearbook. Pero sure din na marami ring dala na regrets ang pagtingin sa librong yun. Sa kaso ko, mas marami ang regrets. Things na sana ginawa ko, pero tinamad ako. Kaya ayan tuloy, pag araw na nang recognition, tatabunan na ako nang mga taong mas nagsumikap kaysa akin.