After one day of training, umuwi akong masakit ang lalamunan at namimitig ang mga binti. Hindi na ako sanay na magsalita nang malakas, kaya matapos akong magsalita sa harapan nang 29 attendants, medyo inubo na ako. I also have to walk back and forth to answer their questions and check the errors that they encounter. At unang araw pa lang yan. I have two more days to prepare them for their first obstacle.
Not that I am complaining, nasabi ko lang sa sarili ko na mahirap pala talaga magturo. You should never expect that they could learn right away.
Nung first time ko na magturo, isang araw lang ang naka-allot para sa topic ko, so medyo sisiw pa. And naging kasundo ko naman yung mga trainees kaya wala namang naging problema. Na-culture shock lang ako, kasi dati, ako yung nakaupo sa pwesto nila as trainees. Ngayon ako na yung nagtuturo. I am so glad to hear from my colleagues na kapag tinanong daw sila kung sino yung tinatanungan nilang trainer e ako yung nababanggit. Kahit papaano masaya. Medyo nagimbal ako nung nakita ko yung voting results nila sa Most Fave at Least Fave Trainer. Nasa Most Fave naman ako, me tatlong lokong bumoto sa akin. Sa Least Fave ako nagimbal. 21 out of 22 bumoto sa isang trainer. Tapos yung isa iba yung ibinoto. Napaisip tuloy ako, what makes a trainer a least favorite one among his/her students? Minsan kasi parang nakakalito. Kapag binibigyan mo yung mga trainees nang maraming breaks, iboboto ka nilang least favorite kasi hindi daw namamaximize ang oras. Kapag once in a blue moon ka lang nagpabreak para ma-maximize ang oras, iboboto ka pa ring least favorite kasi hindi ka naman nagbibigay nang breaks. Nakakalito di ba? Naiintindihan mo pa ba ang sinasabi ko??
Kaya ngayon na magtuturo naman ako sa batch na ito, I have been thinking about what if maiboto nila akong least favorite. Ok lang sana kung paisa-isa lang, pero kung 28 out of 29?! Or worse, 29 votes against me? Deym!
But later that day, naisip ko rin na I shouldn’t care about the votes. Hindi naman babawasan ang sweldo ko kung maiboto akong grand slam least favorite. The same thing goes if I’ll “win” as the Most Favorite. Everyone is entitled to their own opinion, so kung ano yung trip nila, karapatan nila iyon. Nakakalungkot lang kapag ibinoto ka nila as least favorite. Hindi ka daw lovable.
(ang yabang mo daw kasi! wahahahahahaha!! Sorry I can’t help it)



