Kapag ako ay pumupunta sa mall para mamasyal, gusto ko mag-isa lang ako. Hindi dahil sa autistic ako, at gustong laging nag-iisa. Alam ko lang kasi na dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari: hindi siya mag-enjoy kasi ako ang nagdedecide kung ano ang pupuntahan ko, or ako ang hindi mage-enjoy kasi susunod lang ako sa mga gusto niyang puntahan. Siguro kapag gusto kong mamasyal na may kasama, pwede. Pero kapag gusto kong magspend nang time alone, let me.
Monthly Archive for June, 2008
Slowly I am starting to become a Mac convert. Medyo discreet lang ako, pero sa mga news na nababasa ko, at sa mga yummy pictures showing iMacs, iPods and iPhones, I am starting to think of buying an iMac, or a Macbook. Unfortunately, marami kaming dapat bayaran ngayong mga panahon na ito, so hindi pa ako makakabili (wushu… sabihin mo lang wala ka pa talagang pera). So ang ginawa ko na lang muna as a start is trying to use the Apple’s browser, Safari. I think the Safari browser was the very first browser to ever pass the Acid2 Test. Ito yung parang me smiley na igegenerate nang browser mo. Kapag maayos yung pagkakabuo nang smiley face sa browser mo, that means it conforms to the international web standards.

Firefox 3 is now ready for download. Kuha na!
Medyo skeptic talaga ako pagdating sa mga hula (fortune telling). Hindi dahil sa ang mga manghuhula ay parang mangkukulam, kung hindi sa mismong konsepto nang panghuhula. Para kasi sa akin, ang hula ay isa lamang ilusyon na ginawa nang tao para makalimot ang tao sa problema nila sa araw-araw. May mga hula kasi na sobrang ganda, na parang ipinaparinig na lang sa iyo nang manghuhula kung ano ang gusto mong marinig. At some point, sa halip na mapagaan ang pakiramdam mo, magiging paranoid ka pa kasi yung hula sa iyo e sobrang sama na lahat nang kilos nang mundo e oobserbahan mo na nang maigi.
Kakapanood ko lang nung Sabado ng Incredible Hulk. As I’ve said many times, hindi naman talaga ako mahilig sa mga comic book characters. Gusto ko lang nang closure. Like when I’ve had a copy of the Lord of the Rings trilogy, and when I’ve got the opportunity to watch Iron Man for free. I just felt the need na panoorin sila kasi “in” sila at the time. The show time was exactly 12:40 p.m., and 12 pa lang noon, so naghintay muna ako sa labas bago ako manood. After 40 minutes of roaming inside computer stores and record bars, pinasok ko na ang sinehan.



