Safari

Slowly I am starting to become a Mac convert. Medyo discreet lang ako, pero sa mga news na nababasa ko, at sa mga yummy pictures showing iMacs, iPods and iPhones, I am starting to think of buying an iMac, or a Macbook. Unfortunately, marami kaming dapat bayaran ngayong mga panahon na ito, so hindi pa ako makakabili (wushu… sabihin mo lang wala ka pa talagang pera). So ang ginawa ko na lang muna as a start is trying to use the Apple’s browser, Safari. I think the Safari browser was the very first browser to ever pass the Acid2 Test. Ito yung parang me smiley na igegenerate nang browser mo. Kapag maayos yung pagkakabuo nang smiley face sa browser mo, that means it conforms to the international web standards.

So nagsearch ako sa net kung merong Safari na installer for Windows, and nakakita nga ako. I downloaded and installed the file and voila! Safari is running on my Windows perfectly. Just like Firefox, Safari supports tabbed browsing. Kaso ang problema lang sa Safari, kapag nagcclick ako nang link na would open in a new window, sa new window talaga siya na-open. Unless iclick ko yung link while pressing the Ctrl button, hindi siya maoopen in a new tab. Alam ko na-set ko na yung option na mag-open yung mga ganitong link sa new tab, kaso parang ayaw pa ring gumana sa akin. Maybe I should make it a habit na magpress na lang nang Ctrl button bago magclick nang link. Or use the middle button (if meron) nang mouse while clicking the link.

Maganda ang rendition nang Safari sa website ko. Kahit hindi mukhang professional blog, nagmumukhang pro kasi ang ganda nang pagkakarender nang font. Smooth na smooth. Marami rin sa mga CSS attributes ang kayang isupport nang Safari, like yung round and smooth edges nang navigation menu sa itaas ^ na hindi kayang irender nang maayos nang IE 6. I haven’t tried IE7 yet, but I don’t care. I wouldn’t bother myself downloading that version anyway.

Isa sa mga hindi pa included sa Safari e yung feature nang Firefox na ‘Undo Close Tab’. May mga times kasi na nagcclose na ako nang mga tabs while surfing, kasi more tabs = more spaces in the memory. So kapag naclose ko na yung tab, tapos naalala ko na meron pa pala akong gustong tignan doon, I can’t do an ‘Undo Close Tab’ sa Safari. Ang magagawa ko lang e ivisit yung website na yun. Kaso paano na lang kung hindi ko alam yung link nang website di ba?

Overall maganda ang Safari. Napakaclean nang UI nito, so you would focus more on surfing, rather than the appearance of your browser. Maybe on regular basis masanay na rin akong gamitin ito. But for now, yung mga important stuffs like Gmail (hindi pa nagrereflect sa Safari yung new version nang Gmail) e sa Firefox ko na lang muna ioopen. Lalo pa at lumabas na ang Firefox 3 kahapon. :D