Maaga akong nagising nung Sabado, dahil alam kong magkikita kami nang 11:30 a.m. sa office para makalarga na sa destinasyon namin sa Laguna. Medyo napaaga lang ako nang kaunti kasi malayo ang bahay namin sa kabihasnan. As usual, nakarating ako doon nang 10:00 a.m. Tinawagan ako nang isa kong kasama kasi yung lechon na inorder namin e kasing aga kong dumating. Irereceive ko na sana, kaso di pa pala bayad at hindi pa sapat yung dala ko, so umakyat na lang muna ako. Buti at may kasama na ako doon nung pagdating ko, at willing naman siyang maglabas muna nang pera para mabayaran na yung lechon. Medyo nagmuscle-building ako kasi ang bigat nung lechon, o baka mabigat lang kasi yung patungan niya e kahoy ata.
Nagsurf muna ako sa internet habang naghihintay sa mga kasama ko at sa oras. Masyado pang maaga para maging abala, so nagvisit visit muna ako sa mga sites. Doon ko nga nalaman na mayroon na palang lalabas na James Bond movie this year (more on that later). At sa paglipas nga nang oras dumami nang dumami ang pumapasok na mga kasama namin.
Nagkaroon na kami nang vehicle allocations, para alam nang bawat isa kung saan sila sasakay. Mahirap nga naman kung magkakalabu-labo pa, and since mahaba-haba ang magiging biyahe namin, mas maganda kung yung mga magkakasama e makakapagkwentuhan nang maigi. Yung driver nung kotse na sasakyan ko e kaibigan ko rin. Kaso kinutuban na akong baka malate siya kasi maghahatid siya nang parents niya sa airport. At ayun nga, tumawag siya. Nagpapabili nang Tropicana saka Strepsils. Medyo maysakit din kasi siya noon kaya kinailangan niyang maghalf-day nung Biyernes. Noong nakabili na ako, tumawag uli siya. Pinapakuha yung dalawang gallon nang tubig dun sa place nang isang kasama namin. Tapos tumawag uli. Mahuhuli daw siya nang kaunti. Nahuli nga siya, pero hindi naman ganoon kahuli. Siguro mga 15 minutes lang yung ikinahuli niya. Nakasakay na kami sa mga sasakyan namin, at nagsimula na ang mahaba-habang biyahe. Marami kaming napag-usapan habang nasa biyahe, at marami sa mga iyon ay mga Classified information kaya hindi maaaring ilahad dito.
Nakarating na kami sa Laguna. Lumagpas pa kami kasi yung mga landmarks na ibinigay e sobrang liit at hindi madaling makita, kahit na umaandar lang kami nang 60 kph. Buti na lang at naisipan na nang isang kasama ko sa kotse na tumawag dun sa mga nauna sa amin. Yup. Nalagpasan na nga namin. Kaya balik kami sa route na dinaanan namin, at ayun, matapos ang ilang kanan at kaliwa, nakarating na rin kami sa resort.
Pagpasok ko sa private resort, nakita ko na agad yung videoke. Alam nang lahat sa amin na atat talaga akong bumirit, kaya marami sa kanila ang nagsabi sa akin na “o, P4, ayan na ang Videoke. Kunin mo na ang songbook at simulan mo na!” Pero hindi muna ako nagstart. Ayoko yung feeling na ako e kanta na nang kanta at nagrerelax, habang yung iba e nagbababa pa nang gamit o kaya e nag-aayos ng mga pagkain. Kaya ang una kong ginawa pagkababa nang sasakyan e inakyat na yung mga gamit ko sa magiging kwarto namin. Malas kami kasi kami yung isa sa mga last na nakarating, kaya wala na kaming pagkakataong makapamili nang kwarto. Doon kami sa kwarto na pink ang kulay nang kurtina at dingding. Pareho pa kaming lalaki noon.
Medyo nangailangan nang maraming tubig, yelo at kaldero na pang-saing, kaya naisipan naming bumili muna sa labas. Kinailangan ko ring bumili nang tsinelas, kasi hindi ako pwedeng magroam sa gilid nang pool na ang suot kong sapatos e leather. Ewan ko ba kung bakit ko naisip magsuot nang leather. Ayoko kasi nang sapatos na kailangan pang isintas, kaya hindi ako nagrubber shoes. Wala naman akong sneakers, kaya yung leather shoes na walang sintas ang sinuot ko. Nakakita kami nang tsinelas, and I must admit, na-highway robbery kami. Singkwenta pesos para sa isang pares nang tsinelas?? Come on. Pero since impulsive buyer kami, ayun, binili na rin namin, na kinalaunan ay pinagsisihan namin, dahil may nakita kaming mas murang tsinelas na ibinebenta sa may di-kalayuan. Hindi na rin kami bumili nang kaldero, kasi 480 ang benta sa amin. Mahirap nang mapangalawahan kami mula sa tsinelas incident, kaya nagpasya kaming manghiram na lang sa may-ari nang resort.
Pagkabalik namin, nakahanda na ang lahat. Yung iba naglalaro na nang bilyar, pero wala pa ring gumagalaw para kumanta. Ang alam ko me listahan na ako nang kakantahin para sa event na iyon, kaso nawala. Hindi ko alam kung saan ko nailapag, o baka naman nahulog sa daan habang naghahanap kami nang yelo, tubig at kaldero. Nakakapanghinayang, pero naisip kong meron namang songbook, so ok lang. Kung ano na lang ang una kong mahanap e yun na ang kakantahin ko agad. Pero hindi muna ako nagsimulang bumirit, kasi magsisimula na yung mga activities namin.
Mga simpleng palaro lang naman yung ginawa namin nung araw na yun. Ascending-Descending (ako lang ang nagpangalan niyan) kung saan iaarrange ninyo ang mga sarili ninyo nang group mo according to a certain category, tapos yung may paunahang makagawa nang mga iuutos sa amin bago kami makasagot nang tanong. Napakain ako nang TimTams nang pabilisan. Karaniwang nagagawa ko iyon nang wala pang isang minuto, pero medyo tuyo kasi ang lalamunan ko noon kaya hindi ko rin nagawang maubos agad. Hindi kami yung pinalad na manalo, pero who cares, ang mahalaga e nag-enjoy ang lahat.
After nang mga activities, kanya-kanya na kami nang mga plano naming gawin. Yung iba nagrecollection (ewan, may nakita kasi akong kumpulan nang tao sa isang tabi, tapos yung isa e nakayuko. Umiiyak ata), yung iba nagbilyar, pero walang gumagalaw nang videoke. Kaya sinimulan ko na!
Marami akong kinantang awitin nung Sabado nang gabi at Linggo nang umaga. Yung iba nga hindi ko na matandaan. Ilan lang sa mga natandaan ko e yung Father & Son, kung saan inialay ko iyon sa boss ko. Nagduet pa nga kami. Kinanta ko rin yung Leader of the Band, Danny’s Song, ang walang kamatayang Total Eclipse of the Heart kung saan ako unang nadiscover as the Videoke King, Ipagpatawad mo, Obladi Oblada, True, at marami pang iba. Yung iba kaduet ko pa yung mga kasama ko, like yung Bikining Itim, yung Under the Sea (na inialay namin sa isang penguin na nasa pool nung mga oras na yon), at yung Banyo Queen. Niloloko ako nang mga kasama ko, kasi hindi pa ako nakakakuha nang 100 na mark sa mga kinanta ko. Kung hindi 99, e 98. Nabad trip pa lalo ako nung yung penguin na yung kumanta. Naka-100 ang loka.
Doon na nagsimula yung ‘mini-feud’ sa amin. Ang dami nang nakakakuha nang 100 na mark, pero ako wala pa rin. Hanggang sa nagrequest yung isang kasama namin na kantahin ko raw yung ‘Di na Ako Aasa Pa’ by Introvoys. Siguradong 100 na raw ang mark ko diyan. Feel na feel ko yung kanta, hanggang sa matapos. At yun nga! Naka-100 ako! Tawa kami nang tawa dahil para akong nanalo sa lotto nung makuha ko yung markang iyon. Later nakailang kanta pa ako na 100 uli ang mark. Yung iba nga e may kasama pa ako.
Nagpahinga na muna ako sa pagkanta dahil kailangan nang subukan ang pool. Hindi ako marunong lumangoy, kaya natuwa ako nung nalaman kong 5 feet lang ang pinakamalalim. Mainit pa yung tubig kaya enjoy kaming sumawsaw sa tubig. Sigaw na ako nang sigaw nun sa lahat nang kumakanta. Sumigaw ako nang ‘I love you [name here]‘ at ‘Ang gwapo mo [name here]‘ sa lalaki, kaya tawa kami nang tawa. Tapos nagkaroon pa nang feud sa pool sa pagitan nang mga girls at boys. Siguro mga isang oras din akong nakababad sa pool. Umahon lang ako nung makita kong yung mga kasama ko sa pool e yung mga lovers na. Out of place na ako. Hehe..
Masarap ang pagkain na nakahain sa amin, lalo na yung almusal namin, kasi kami na rin mismo ang nagluto noon. Masarap din yung lechon, pero pinigilan ko ang sarili ko kasi marami-rami na rin akong nakain. Ayokong sumakit ang batok ko habang kumakanta. The best din yung lumpia saka yung manok, gaganahan ka talagang kumain.
Overall, enjoy ang outing namin. Oo umulan nga, pero hindi naman namin yun hinayaan na makapigil sa kasiyahan nang weekend. Iniwan muna namin sa opisina yung stress, at wala kaming ginawa kung hindi ipakita yung ibang side namin. Kung maniniwala ka, sumayaw pa ako habang kumakanta at nakayapak (madulas kasi yung sahig, e wala akong tiwala doon sa singkwenta pesos kong tsinelas). Pero ok lang. Masaya pa rin.
After 20 days, me outing uli at kasama ako. I’ll be looking forward to that. ![]()



