Down na naman ang site kahapon (for the nth time) kaya hindi ako nakapagpakita rito. Kaya sa mga naka-miss sa akin, eto na ako!
Malakas ang ulan nung Linggo. Even though it is unbelievable for you to hear this from a 22-year old Homo Sapien, naligo ako sa ulan. At nag-enjoy ako ha! No kidding! Naligo ako sa ulan while riding a bicycle! Noon ko lang uli naexperience ang ganoong joyous moment!
Kaso sinipon ako kinabukasan.
Naisip kong magparegister nang domain, kaso mahal yung ‘.ph’, at hindi ko pa alam kung paano makakapagbayad. Naisip ko lang magkaroon na nang domain dahil una, kaartehan, at pangalawa, para madaling tandaan yung site ko! Nyahahehe…
I am quite disappointed sa naging turnout nang pagtuturo ko. I really don’t know kung may nakaligtaan ba akong ituro, or masyado ba akong mabilis. Ine-encourage ko naman silang magtanong kapag may hindi maintindihan. Nung nakita ko yung work nung isa na irereview ko, hindi ko alam kung panghihinaan ba ako o ano. Sana naman wag lahat nang work nila ganito. Siguro wala lang talaga akong calling sa pagtuturo. Hehe..
Walang signal ang telepono ko mula pa kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi pala nasend yung huling text na sinend ko last night. Nadeduce ko na baka dahil lowbatt na yung kaya hindi makalamon nang sapat na signal, kaya eto ang china-charge ko na. I just hope na yun nga ang dahilan.
Mayroon daw billboard si Angel Locsin na topless! Well hindi naman topless as in frontal nudity. Art pa rin naman siya kung titignan. Nabasa ko lang kanina sa Libre pero hindi ko pa alam kung saang exactly nakapost yung billboard. Ni hindi ko alam kung sa EDSA ba talaga nakalagay. Paikot-ikot mata ko habang nakasakay sa MRT. Baka sakaling makita ko along EDSA.
Ilang araw na lang at concert ko na. Alam kong excited na yung mga fans ko. Nyahahha! Hi Fans!
Iyon lang muna for now. Pag-iisipan ko pa kung bibili nga ba talaga ako nang domain.



