Ayoko talagang magkaroon nang credit card. I don’t know, maybe I just don’t want a responsibility of paying credit card bills, or simply I don’t know the process. Nasabihan na rin kasi ako nang nanay ko na hindi magandang habit daw yung magkaroon nang credit card (no offense po sa mga credit card holders na. hehe) lalo na kung wala daw kontrol sa pagbili nang kung anu-ano. E ako pa naman, talagang minsan hindi ko rin mapigilang gumastos, so I guess hindi talaga para sa akin ang magkaroon nang credit card (and wala ako sa mood na baguhin ang ganoong lifestyle ko para lang magkaroon nang credit card).
Marami nang beses tumatawag dito sa office yung mga credit card companies. Iyong isa medyo Bisaya pa ang accent while performing her marketing spiel. Actually marami siya talagang sinasabi, pero ni isa roon either hindi ko naintindihan o hindi ko talaga iniintindi. Kasi alam ko na agad ang sagot ko doon. NO. Not Interested. Kaya bad trip na rin siguro ang mga credit card company sa akin, kasi consistent akong anti sa kanila. I’ve had this kind of conversation once with them. Itatago natin yung Bisayang kausap ko sa pangalang ‘Delya’.
Delya: Ser Prederek galing po ako sa [Name of Credit Card Company here], gosto ko lang po etanong kung credet card owner na po sela?
Ako: Ay hindi po Ma’am.
Delya: Ah ganon po ba ser.. Baka po gusto ninyong mag-apply sa amin, since employee po kayo nang [Company Name here] meron po kayong eyspeysyal prebeledyes and for one year wala po kayong babayarang fee? (talagang patanong yung intonation niya, so nilagyan ko talaga nang ‘?’)
Ako: Ay hindi po ako interested Ma’am e.
Delya: Ah ganoon po ba… Sige po tawag na lang po ako sa uulit. God bless po sir and more power to you.
Ako: Ok, thank you.
Meron pa one time na sobrang bilib nung kausap ko sa sarili niya na akala niya talaga e mahihikayat niya ako. Itago natin siya sa pangalang Pacundo Jose:
Pacundo Jose: Sir, I dare you, right after this conversation, ma-coconvince kita na kumuha nang credit card sa amin.
Ako: Ok.
PJ: Marami po kaming special privileges para sa mga [Company Name here] employees gaya ninyo and for one year wala po kayong babayarang fee (yes, pareho lang sila nang offer, pero MAGKAIBANG bangko).
Ako: …
PJ: Kukuha na po ba kayo?
Ako: Sorry po talaga, hindi po ako interested.
PJ: Ah ganun po ba, sige po, ok lang yan. Malamang ngayon hindi pa kayo interested, pero next time gusto na kumuha. Marami na rin po akong na-encounter na ganyang customers. Sure po ako na next time e mapapapayag ko na kayo. Hehe..
[After an hour]
Pacundo Jose: Hello po Sir, tanong ko lang kung mayroon na kayong credit card?
Ako: Ah, wait, ikaw si Pacundo Jose right? Tumawag ka na rito kanina lang.
PJ: Aaah! Kayo po pala yun. So, ano po, nagbago na isip ninyo at gusto na ninyong kumuha nang credit card?
HELLO??! YOU JUST CALLED AN HOUR AGO! TINGIN MO BA MAGBABAGO NA AGAD ANG ISIP KO NANG GANOON KABILIS?!?! BLEEP BLEEP NAMAN!!!
Ako: I am sorry, hindi pa rin po ako interested.
PJ: Ah sige po… ok lang yan… Malamang ngayon hindi pa kayo interested, pero next time gusto na kumuha. Marami na rin po akong na-encounter na ganyang customers. Sure po ako na next time e mapapapayag ko na kayo. Hehe..
Hindi ko rin masisi itong mga tumatawag sa akin. Siyempre trabaho nila iyon at kailangan nilang makahikayat nang applicant para naman me kita sila. Kaso malas-malas lang, ako yung tinatawagan nila. Hindi ako nagsasalita nang tapos, but for now, I don’t think I would need a credit card. Bawi na lang kayo sa susunod, Delya at Pacundo Jose. Maybe next year? ![]()


Magandang magkaroon ng credit card pero dapat ang humahawak nito ay responsable magbayad, at dapat alam din nya na ang main purpose ng credit card ay for emergency lang at hindi ito for shopping.
ewan ko ba, bakit pag sinabing credit card, pang shopping na kagad. mali un. wag ganun. haha.

kami di naman pang shopping lang more sa pang emergency expenses kaya lang talagang mahirap makaahon ang laki kasi ng interest biruin nyo kung susumahin yung binayaran namin for 3 years (sa minimum amount) bayad na dapat ang utang. ang masaklap yung sa billing mo wala pa sa kalahati yung nabayaran mo. nagsisisi nga kami bat pa kami nag-apply nyan e. anyways tnx sa tip mo ha, link kita.